Natuloy na ang first taping day nina Alden Richards at Maine Mendoza ng first teleserye nila sa GMA-7, ang Destined To Be Yours sa Dingalan, Aurora, Quezon last Wednesday. Dapat ay may taping ulit sila kahapon, Friday, pero na-pack-up dahil puno raw ng putik ang location nila, ayon sa Instagram post ni Gardo Versoza.
Sina Gardo at Janice de Belen ang gaganap na parents ni Maine sa teleserye. Kaya balik-Eat Bulaga muna sina Alden at Maine.
Vhong hindi malilimutan ang birthday
Masaya ang mga bagong producer ng bagong movie outfit na Cineko Productions dahil successful ang first movie venture nila, ang Mang Kepweng Returns na nagtatampok kay Vhong Navarro sa title role. Ang story ay written ni Volta delos Santos at sa direksyon ni GB Sampedro.
Siyempre pa ay masayang-masaya si Vhong dahil birthday niya ang opening day ng movie last January 4, reportedly, nag-gross sila ng PhP 14 million.
Sinorpresa rin ni Vhong ang mga manonood nang bigla siyang mag-appear at magpasalamat dahil ito na raw ang hindi niya malilimutang birthday dahil nakapagpasaya siya ng mga bata. Nagpasalamat din si Direk GB sa mga manonood.
Sunshine tiniis ang hiling ng mga anak
Pinairal ni Sunshine Dizon ang pagiging ina sa dalawa niyang anak na sina Doreen at Anton kaya iniurong na niya ang dalawang kasong isinampa laban sa dating asawang si Timothy Tan, ang Anti-Violence Against Women and Children at Concubinage, na ginanap sa Senior Prosecutor Office sa Quezon City Hall of Justice last Thursday.
Naiyak lamang si Sunshine na hindi na niya maibibigay ang kahilingan ng mga anak na magbalikan silang mag-asawa. Iyon na lamang pag-uurong ng mga demanda ang tangi niyang maibibigay sa mga anak nila. Basta ang pangako niya sa mga anak, isa pa rin silang family hindi na lamang tulad ng dati.
Everyday naman daw ay tinutupad ni Tim ang tungkulin nitong hatid-sundo ang mga anak sa school at sa bago nilang townhouse.
Hindi pa nagbigay ng comment si Sunshine kung wala na rin ang kaso laban kay Clarisma Sison, malalaman na raw lamang ang susunod na mangyayari.
Kahit paano, nabiro si Sunshine kung ganito rin ba ang magiging takbo ng story ng afternoon prime drama series niyang Ika-6 Na Utos.