Direktor ng Oro pinagdiinang hindi pumatay ng aso!
Nag-release na ng official statement ang writer and director ng Metro Manila Film Festival 2016 entry Oro na si Alvin Yapan at ang executive producer na si Feliz Guerrero hinggil sa kontrobersyal na eksena sa nasabing film kung saan ay ipinakita diumano ang pagkatay sa isang aso.
Ang nasabing eksena ay umani ng katakut-takot na batikos mula sa manonood at reklamo na rin mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) kaya naman nagpatawag ng pagpupulong ang MMFF committee para imbestigahan ang nasabing kaso.
Last January 2 nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Oro team, ng representatives ng PAWS at MMFF executive committee at kaugnay din nito, naglabas na rin ang pamunuan ng pelikula ng kanilang official statement.
Narito ang kabuuan ng official statement ng direktor:
“Hindi po totoo na pumatay kami ng aso para lang sa pelikula.
“May dalawang aspeto po ang pahayag na iyan. Una, tungkol sa usapin muna ng pelikula. Hindi ko inimbento ang metapora ng aso dito para lang pumatay ng aso sa loob ng isang pelikula para lang pag-usapan. Nasa tunay talagang pagsasalaysay ng testigo sa Gata 4 Massacre na bumalik siya para singilin ang Patrol Kalikasan para sa kinatay nilang aso. Dahil nga kumakain ng aso ang patrol kalikasan, kasi nga tradisyon ang pagpulutan ng aso sa inuman sa ilang probinsiya sa bansa.
“Ikalawa, hindi totoo na inutusan ko ang isang aktor para lang pumatay ng aso. Diyan ako pinakanagalit. Hindi ako tanga. At kahit sinumang aktor siguro hindi papayag diyan. O hindi ko ilalagay ang sinumang aktor sa ganyang posisyon. Sa probinsiya po may mga nakatalaga talagang tagapatay ng aso, baboy, baka, etc.
“Hindi rin totoo na kinain iyong aso sa set. Sa pagkakatanda ko ibang araw shinoot iyong inuman scene doon sa mismong pagkatay ng aso. Baboy ang ginamit nila. Nasa pag edit na po iyon.
“Bakit hindi ko sila tinuruan na mali ang pagkatay ng aso? Bakit hindi ko sila tinuruan ng animal welfare? Sino ako para gawin iyon sa kanila? Ni wala akong nagawa para sa pakikipaglaban sa karapatan ng kanilang mga mahal sa buhay, tapos lelecturan ko sila sa karapatan ng asong kinakain nila? Sino naman akong burgis na tagasentro na bigla na lang lelecturan sila na barbaro ang kanilang ginagawa ni wala nga akong naitulong para iangat ang kanilang antas ng pamumuhay para naman baboy at baka na ang kanilang kainin?
“And now you are doing this to me for giving voice to the violence they experienced?” – Alvin Yapan, Writer & Director.
Sa official statement naman ng EP, nakasaad na sinusunod at ginagalang daw ng Feliz Film Production ang batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga hayop.
“Wala sa production team ang pumatay ng aso. Ngunit, kinailangang ipakita ang nakagisnang tradisyon na hanggang sa ngayon ay ginagawa pa din ng iba’t ibang tribo at komunidad na naaayon sa kanilang kultura,” bahagi ng statement ni Guerrero.
Sa nasabing dialogue between the Oro team and MMFF Execom ay napagkasunduang tanggalin na lang sa pelikula ang eksenang kinukuwestiyon.
MMFF limited na sa SM cinemas
Sa press release na ipinadala ng publicist na si Noel Ferrer kahapon ay kinumpirma niyang extended ang MMFF 2016 hanggang Jan. 7 sa 10 SM Cinemas in selected cities. Kasabay nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa filmfest 2016.
“Despite the overwhelming show of support by the general public, MMFF 2016 officially comes to a close today, January 3, 2017.
“We thank everyone who made this year’s edition a groundbreaking success.
“And we hope that you will continue to make your voices heard so that these films will be enjoyed all over the Philippines beyond January 3rd.
“In line with this, the people behind MMFF 2016 are pursuing the following: 1. The continued screening of all 8 titles in 10 SM Cinemas in selected cities from January 4-7; 2. Negotiating with the other cinema chains for a similar extension (still waiting for the cooperation of Ayala and Robinsons cinemas); 3 And laying the groundwork for an extensive MMFF School Caravan.”
- Latest