^

Pang Movies

Alden sinusunod daw ang mommy kaya kabi-kabila ang biyaya!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Umapaw hanggang sa Pinaglabanan Street sa harapan ng St. John The Baptist Church sa San Juan City, na pinagdausan ng Holy Mass for the 25th birthday ng Pambansang Bae Alden Richards. Kuwento ng ilang members ng RJ’s Maine, maaga pang dumating si Alden sa church at ginawa agad ang pagpapalipad ng balloons at pagkatapos ay ang blowing of candles ng cakes na bigay ng iba-ibang fan clubs.

Hindi na lamang naka-attend ng Holy Mass si Alden dahil kaila­ngan na niyang pumunta ng Broadway studio para mag-rehearse ng production numbers nila ni Maine Mendoza para sa birthday cele­bration niya sa Eat Bulaga.

Mukha raw nagbasa si Father ng tungkol kay Alden dahil sinabi nitong sulit si Lord sa pagbibigay ng blessings sa kanya dahil pinagyayaman niya ang mga ibi­ni­gay Niya sa kanya. Masu­nurin din daw si Alden dahil sinunod niya ang gusto ng Mommy niya kaya narating niya kung ano siya ngayon.

Back sa Broadway studio bago nag-perform si Alden, siya ang naatasang maging Santa Claus ng apat na nabunot niyang studio audience para sa kanilang #GiveLoveOnChristmasDay. Bago natapos ang noontime show, in-announce na nina Alden at Maine na sisimulan na nila ang taping ng first teleserye nila sa GMA-7, ang Destined To Be Yours at sana raw kung paano tinangkilik ng AlDub Nation ang first movie nilang Imagine You & Me, ganoon din nila tangkilikin ang una nilang soap.

Sunshine busy sa pag-aayos ng bahay na bigay ng biyenan

Masaya ang Christmas kay Sunshine Dizon at sa mga anak niyang sina Doreen at Anthony dahil nagpalipas na sila ng Kapaskuhan sa bago nilang bahay.  Bigay ang new townhouse na may three floors, ng kanyang father-in-law si Mr. Lito Tan, na sa kabila ng mga nangyari sa kanila ng husband niyang si Timothy, hindi naman sila pinabayaan ng kanyang biyenan. At ayos na rin naman ang relasyon nila ng estranged husband niya, kahit hindi na sila muling nagkabalikan.

Bago ang bahay na ibinigay sa kanila, pero si Sunshine, sa kabila ng pagka-busy sa taping ng afternoon prime drama nilang Ika-6 na Utos, nagawa pa niyang ipa-renovate ang bahay ayon sa gusto niya.

“Double work lamang kapag gusto mo talaga,” natatawang wika ni Sunshine. “Siyempre, inspired ako sa role ko bilang si Emma sa soap at hindi mahirap maka-relate sa role na may kaagaw sa pag-ibig niya kay Rome (Gabby Concepcion).  Makikilala na ni Emma si Georgia (Ryza Cenon) na kaagaw niya sa pag-ibig ng asawa, pero ano ang magiging feeling mo kung ang itinuturing mong friend at akala ay dumadamay sa iyo ay siya mo palang kaagaw?”

Sa mga naunang teaser ng soap nakitang slimmer na si Sunshine, ‘di tulad noong napapanood ngayon na malaki pa siya, kelan iyon mapapanood?

“Yes po, dahil magigising na sa katotohanan si Emma, kaya hintayin na po lamang ng mga tagasubaybay namin kung paano magbabago si Emma.  Salamat po sa mga nanonood at nagtu-tweet sa aming bawat eksena.”

At ang isa pa ngang job ni Sunshine, siya ang personal na namamahala sa mga pagbili ng ap­pliances at gamit sa bahay niya dahil gusto raw niya ay bago lahat. Kaya kapag wala siyang taping, ang bahay naman niya ang inaasikaso niya.

Napapanood araw-araw ang Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga.

PAMBANSANG BAE ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with