Lola ni Alden nanghihingi na ng apo!

Binulaga ang AlDub Nation, fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, kahapon ng uma­ga, na may mystery girlfriend daw ang binata na taga-Makati at madalas makitang naka-park doon ang bago niyang GMC van. Hindi naman nagtagal ay sinagot ni Alden ang balitang iyon:

“Guten Morgen guys! I woke up and read an article about me & a “mystery” girl? I just wanna make it clear that I don’t have a mystery girlfriend. The only time I went to a posh village in Makati was when I visited Dra. Vicky Belo & Scarlet Snow, with some staff from Artist Center... so dili man po totoo yung balita.

P.S. When we visited Dra. Belo wala pa po akong GMC nun.”

Kahit ang daddy ni Alden na si Richard Faulkerson Sr., nagsabing ‘yung GMC daw ni Alden, inaalikabok na dahil nasa harap lang ng kanilang bahay sa Sta. Rosa Laguna, naka-park dahil hindi yata kayang i-drive ng actor.

Biro tuloy ng mga netizens, kapag ibang issue ang itinatanong kay Alden, hindi ito sumasagot, pero kapag daw pala tungkol sa girlfriend, mabilis pa siya sa alas-kuwatro.

Meanwhile, sa Monday, Alden Richards will turn 25 na, kaya usap-usapan ang kahilingan ng 80-year-old Lola Erlinda Peralta niya, na kaila­ngang mag-asawa na ang apo kapag twenty-seven years old na ito. Paano raw iyon, ang mga young people ngayon, gustong mag-asawa when they are 30 years old above. Sagot ni Lola Linda, “paano kung mamatay na ako, hindi ko na makikita ang apo ko sa kanya. Kung trenta y singko na siya mag-asawa, palagay mo mabubuhay pa ako. Abu­tin pa ba ako ng nobenta, naku po, patawarin po.”

She hopes Alden will end up with someone who’s simple lang, mabait, hindi maluho, marunong makisama. “Kasi kung ganda lang naman e madaling magpaganda. Sa ngayon walang pangit na babae, lahat gumaganda. Pero ‘yung puso mo at ‘yung mind mo, mahirap baguhin ‘yun. Beauty is only skin-deep, ika nga, pag maligaya ka, naggo-glow ‘yung mata mo. “

“May time naman sa lahat ng bagay, ang hinihintay ko lang ‘yung tamang ti­ming,” sagot naman ni Alden sa interview kina Alden at Lola Linda ng YES magazine na feature ang bagong bahay ng binata na ipinatayo niya para sa kanyang pamilya. Sa susunod, siya naman daw ang magpapatayo ng sarili niyang bahay para sa kanyang future family.

Young star nag-aalok ng libreng tickets sa MMFF para sa kanyang pelikula!

Hindi naman in-expect ng friend namin na may mag-o-offer sa kanya ng free tickets para panoorin ang isang pelikula. Nasa isang bagong mall daw sila sa Mandaluyong City ng kasama niya at napagawi sila sa cinema side ng mall. Nakita pa raw niya ang isang young star na palakad-lakad at sinusundan ng mga bodyguards pero wala raw pumapansin sa kanya. Bida raw pala ito ng isang movie na ipinalalabas ngayon sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nang may lumapit sa kanila at binibigyan ng free tickets para manood ng movie, tumanggi ang friend namin dahil hindi nila gusto ang movie na ino-offer sa kanila nang libre. 

Die Beautiful daw kasi ang gusto nilang panoorin.

Show comments