DongYan at AlDub tumakbo sa putikan!

Kahit malakas na ulan at maputik ang kalyeng nilakaran, as early as 6:00am, kahapon, November 26, nasa Bonifacio Global City (BGC) na ang llang Kapuso stars at mga pami-pamilyang lumahok para sa McDo Stripes Fun Run na tinawag nilang Run for Reading. 

Siyempre pa, mawawala rin ba ang mga fans na nagpunta sa venue, para makita ang kani-kanilang paboritong artista.

Dumalo ang mag-asawang Ding­dong Dantes at Marian Rivera, ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza at ang teen love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, na pare-parehong endorsers ng McDo Ph.

Ang proceeds ng fun run ay ga­ga­mitin sa mga bata, mula grade 1 to grade 2 na tutulungan kung paano matutong magbasa.

Aabot daw sa 11.5 million students ang matutulungan ng nasabing fun run.

Ilang taon na palang ginagawa ito ng nasabing food chain at every time na may fun run sila, iba-iba ang purpose at mga reci­   pient na pagbibigyan nila ng proceeds ng kanilang advocacy.

Samantala, si Bossing Vic Sotto at ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers nga ba ang magku-confirm ng tunay na relasyon ng magka-love team na Alden Richards at Maine Mendoza? Mayroon kasi silang special participation sa movie na dinirek nina Tony S, Reyes at Marlon Rivera. Ilang beses na kasing natanong ang dalawa, pero wala pa rin silang malinaw na sagot sa kung ano na nga ba ang level ng kanilang relasyon.

Kaya sa blogcon ng movie, iyon ang naitanong kay Bossing Vic. Matatandaan kasing nag-location pa sila ng eksenang iyon sa isang private beach resort sa Bohol, kababalik lamang noon from London ni Alden at diretso sila nina Bossing Vic sa location. 

Sagot ni Bossing, huwag daw kalimutang panoorin ang kanilang movie kung gustong malaman ang sagot simula sa November 30. Inulit ni Bossing Vic na as early as 8:00am sa opening day, bukas na ang mga SM Cinemas. Sa ngayon daw more than 200 cinemas nationwide na ang magpapalabas ng kanilang movie.

Aljur nag-sorry ulit sa GMA

Muling humingi ng sorry si Aljur Abrenica sa GMA Network noong presscon nila ng Usapang Real Love sa episode nila ni Janine Gutierrez, ang Relationship Goals.

Bakit muli siyang humingi ng sorry kahit nagawa na niya iyon nang muli siyang tanggapin ng network noong nakagawa siya ng kamalian noon?

“Taos po sa puso ko ang paghingi ko ng sorry, dahil sa kabila ng nangyari, binigyan pa nila ako ng mga projects,” sabi ni Aljur.  “At natutuwa po ako dahil muli kaming pinagtambal ngayon ni Janine. Naging mabuti kaming magkaibigan nang gawin namin noon ang Dangwa kaya mas comfortable kaming gawin ang rom-com namin ngayon.”

Ilang Sundays ding mapapanood ang URL nina Aljur at Janine bago ang 24 Oras Weekend sa GMA-7.

Show comments