MANILA, Philippines – Sa upcoming Bubble Gang anniversary presentation ay magiging special guest sina Ogie Alcasid, Alden Richards at Maine Mendoza. Parang isang reunion ang pansamantalagang pagbabalik ni Ogie sa dati niyang programa sa GMA-7 dahil ngayon ay balitang Kapamilya na siya. Kaya sobra ang galak ng mga beterano sa Bubble Gang lalo na si Michael V na matagal nang buddy-buddy si Ogie.
Kaya abangan na lang natin ang mga pasabog nila.
Sa Biyernes na ‘yan.
Magkaibigan actor/pulitiko nagkalamat ang pagkakaibigan dahil sa pulitika
May tampuhan pala sa panig ng dalawang artista/pulitiko na sobrang close sa isa’t isa. Nalaman ng kaibigan na itong sinuportahan niya ay namangka raw sa dalawang ilog para masiguro ang pagkapanalo.
Pero kahit nagtaksil ito lost in space pa rin ang pobreng artista/pulitiko. Kaya abangan na lang natin ang mga kaganapan sa susunod na eleksyon.
Docu program na Reel Time may award na naman
Nakabibilib talaga ang GMA documentary program na Reel Time. Sunud-sunod na naman kasi ang nakukuha nitong awards, at sa mga international competition pa, huh!
Recently lang ay naibalita na ang episode nitong Isinulat sa Tubig ay nominated para sa Best Social Awareness Program sa 21st Asian TV Awards. Ito rin ang grand prize winner sa Asia-Pacific Child Rights Awards last month sa Bali, Indonesia. At nominated din ang nasabing episode sa Asia Rainbow TV Awards ngayong taon!
Matatandaan na early this year naman ay Reel Time rin ang nanalo ng Gold Camera Award sa 2016 US International Film & Video Festival. Pak na pak!