Mamayang hapon na ang grand presscon ng Enteng Kabisote 10: The Abangers dahil nag-decide na rin ang mga producers, sina Bossing Vic Sotto ng M-Zet Productions, Orly Ilacad ng OctoArts Films at Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment na ipalabas na ang supposedly ay entry rin nila sa MMFF simula sa Wednesday, November 30. May malaking rally daw sa November 30 pero sagot ng iba, baka raw makatulong pa iyon dahil holiday at after ng rally, puwedeng manood naman sila ng sine.
Cast ng Mano Po 7 mangangabog sa sariling parade
Pwede naman palang magpatawa si Richard Yap nang humirit siya ng patawa during the grand presscon ng Chinoy: Mano Po 7 sa Regal Entertainment Valencia Events Place. Hiningan muna siya ng comment tungkol sa hindi nila pagkakasali sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.
“Nalungkot ako, kasi pinagsikapan naming tapusin at maging worthy entry ito,” sabi ni Richard.
“Akala ko nga si Enchong Dee ang bida ng movie namin, kaya walang pressure sa akin na ako ang magdadala ng movie. Kidding aside, ang gagaling ng mga kasama ko sa movie. I just did my best to portray the role given to me. At naniniwala akong panonoorin pa rin kami ng mga tao kahit hindi kami nakasama sa festival.”
Naikuwento rin ni Richard ang hirap ng pagsu-shooting nila sa Taipei nang abutan sila ng malakas na bagyo (iyong typhoon Lawin na mula rito sa atin ay doon tumuloy). Talagang napakalakas daw ng ulan at hangin at inabutan silang nasa shooting sa kalye, kaya kinailangan nilang huminto at padaanin ang bagyo.
Nagpasalamat si Richard na bukod sa naging Regal Baby na rin siya at ngayon ay kasama na sa franchise movie. Kung may isa pang hindi malilimutan si Richard, ito ay ang nakatambal niya for the first time ang gumanap niyang wife sa story, ang long-time crush niyang si Jean Garcia, na ikinagulat naman ni Jean dahil hindi raw niya alam iyon.
Anyways, sa December 14 na ang showing ng Chinoy: Mano Po 7 na dinirek ni Ian Lorenos na nagtatampok din kina Enchong Dee, Jake Cuenca, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Marlo Mortel, Kean Cipriano, Ms. Rebecca at Eric Quizon na may very special participation sa movie.
Ayon naman kay Mother Lily, magkakaroon pa raw ng isang pasabog ang Chinoy: Mano Po 7 bago ang showing nito sa December 14. Magkakaroon din kaya sila ng sariling parade of stars bago ang showing?