Kahapon, November 2, ang extended submission ng possible entries para sa coming Metro Manila Film Festival 2016 (MMFF) na dapat ay October 31. Pero tulad nang inaasahan, hindi pa rin nasunod ang sabi’y deadline dahil ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, na siyang head ng selection committee ng MMFF, pwede pa ring mag-submit ng entries kahit hindi nakapagbigay ng letter of intent, basta kumpleto na ang pelikulang isa-submit nila. Heto ang ilan sa mga pelikulang handa nang pagpilian ng official entries:
1. Across the Crescent Moon – Matteo Guidicelli, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, Sandy Andolong, Alex Godinez. Directed by: Baby Nebrida.
2. Ang Babae sa Septic Tank Part 2, Forever is not Enough – Eugene Domingo, Jericho Rosales, Joel Torre, Agot Isidro, Cai Cortez, Kean Cipriano, Khalil Ramos. Written by Chris Martinez and directed by Marlon Rivera
3. Buy Bust (Reality Entertainment) – Anne Curtis, Brandon Vera. Written by Ays de Guzman, directed by Erik Matti.
4. Die Beautiful – (The IdeaFirst Company) Paulo Ballesteros, Luis Alandy, Gladys Reyes, Inah de Belen, written and directed by Jun Lana
5. Enteng Kabisote 10 The Abangers. (OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment) Vic Sotto, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Oyo Sotto, Ryza Cenon, Bea Binene, Ryzza Mae Dizon, directed by Marlon Rivera & Tony Reyes
6. Extra Service (Star Cinema) – Coleen Garcia, Arci Munoz, Jessy Mendiola, Vin Abrenica. Written by Alpha Habon, directed by Chris Martinez
7. Higanti (Gitana Film Productions) Assunta de Rossi, Jay Manalo, Meg Imperial, Katrina Halili, directed by Rommel Ricafort
8. Kabisera – Nora Aunor, Ricky Davao, JC de Vera, Victor Neri, Ronwaldo Martin. Written and directed by Real Florido and Arturo Boy San Agustin
9. Mang Kepweng Returns – Vhong Navarro, Jaclyn Jose, Kim Domingo. Directed by GB Sampedro
10. Mano Po 7 Chinoy (Regal Entertainment) – Richard Yap, Jean Garcia, Jake Cuenca, Jessy Mendiola. Written by Senedy Que, directed by Ian Lorenos.
11. Our Mighty Yaya (Regal Entertainment) – Ai Ai delas Alas, Zoren Legaspi, Megan Young. Written and directed by Jose Javier Reyes
12. Pak Ganern, Go (Star Cinema) – Vice Ganda & Coco Martin. Directed by Joyce Bernal.
Sayang at wala ang madalas na pinipilahang horror movie ng Regal Entertainment, ang Shake Rattle Roll. Sayang at hindi rin umabot ang horror movie na Ilawod nina Iza Calzado at Ian Veneracion dahil may three shooting days pa silang natitira pero hindi na natapos ni Iza dahil isa siya sa jurors sa isinasagawa ngayong Hanoi International Film Festival sa Vietnam.
Marami pang nai-submit nang entries pero mula sa kanilang lahat, walo (8) lamang ang pipiliin ng Screening Committee. Sa mga nabanggit namin sa itaas, halos alam na rin ninyo kung alin ang pipiliin na tiyak na panonoorin ng mga tao na naghahanap ng masasayang pelikula para sa Kapaskuhan, at iyong magugustuhan ng mga bata. Sabi nga, ang Pasko ay para sa mga bata.
Congratulations sa walong entries na mapipili!
Erap hindi na mabilang ang apo?!
Mabuti na rin na nakinig na sina Ms. Jaclyn Jose at Jake Ejercito na huwag nang sumagot sa mga post nila sa Instagram tungkol sa batang si Ellie. Tingin namin kay Ellie, masaya siya na kasama na niya ang tunay niyang ama at nakita rin natin kung paano naman siya tinanggap ng kanyang Lolo Erap (Manila Mayor Joseph Estrada), na tiyak nating masayang-masaya rin dahil nadagdagan na naman siya ng aalagaang apo. Pang-ilang apo na ba si Ellie, Lolo Erap?