Rez Cortez pinagbintangang drug protector
Anubeyen, ang actor na nga na si Rez Cortez ang nagmamalasakit, siya pa ang napagkamalang protector ng mga drug pusher and user sa showbiz.
Kaya naman hindi nakatiis ang kanyang asawa at naglabas ng saloobin sa kanyang Facebook account.
“My dear hubby is unjustly being called a drug protector!
“As president of the Actors Guild, he is looking after the welfare of his peers.
“A father or brother would do that.
“He will be there to HELP them, assist them and care for them when they need him.
“If they need to be punished because of a crime commited against society so be it.
“Actors are people too. They need to be cared for before they are condemned for life.”
“People say they are role models, so is everyone.... to his child, to his brother and to a friend.”
“Sana lahat nang humuhusga ay perfecto at malinis,” bahagi ng sentimyento ng misis ng presidente ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Tagalog at Telebisyon (KAPPT) sa mga bumibira pa sa kanyang mister.
Nakikiusap kasi si Mr. Cortez na ‘wag nang ilabas ang pangalan ng mga artistang nasa drug list ng PNP at ng Malacañang dahil makakasira raw ito sa mga nadadawit lalo na kung hindi naman totoo.
Kabayang Noli nag-trending sa pang-uurirat sa BF ni Kylie
Walang kakupas-kupas si Kabayang Noli de Castro.
Nag-trending kagabi ang tanong niya kay Miss International Kylie Verzosa nang interbyuhin niya sa TV Patrol.
Kabayan : May boyfriend ka?
Kylie: Wala po.
Kabayan : Ang lungkot naman nun!
Kylie : No. Hindi malungkot yun.
Pati kasi naman ‘yun pinakikialaman ni Kabayan.
Hahaha.
Sarah laging ibinibida ni Matteo
Wala na raw bang ibang topic sa tuwing may interview si Matteo Guidicelli kundi ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo?
Sana naman daw ay ibida rin ni Matteo ang nangyayari sa career niya kesa sa kuwento sa relasyon nila ng singer-actress na magkakaroon ng album show sa Kia Theater na Sarah G: The Great Unknown Unplugged sa November 29, Tuesday 8:00 p.m. Ang The Great Unknown ang latest album ni Sarah.
- Latest