Jaclyn ayaw pag-usapan sina Jake at Albie

Jaclyn Jose and Andi Eigenmann

Hindi napilit si Jaclyn Jose na mag-comment kina Jake Estrada at Albie Casiño  tungkol  din sa isyu ng anak niyang si Andi Eigenmann at apong si Ellie.

Paliwanag ng award-winning actress, hindi na niya sakop ang tungkol sa dalawang nabanggit na lalaki na naging ex ng anak niyang si Andi.

Palaban naman si Jaclyn sa kanyang mga interview na hindi niya iiwanan sa lahat ng laban ang anak at maging ang apo na sinasabi nitong karugtong ng kanyang buhay. Aminado ang nanay ni Andi na nasasaktan ito kapag nakakabasa ng mga pangba-bash sa kanyang anak lalo na ang mga below the belt na comment na dinadamay pa ang kanyang apo. Kaya hindi maiwasang panghinaan ng loob at minsan hindi makapagpigil na sumagot din ang aktres sa mga comment sa social media.

Pero at least medyo nahimasmasan na si Jaclyn na ayaw nang padala sa mga sinasabi ng iba, hanggang maaari ay ayaw na lang niyang magbasa ng mga bad comment ng netizens.

Ang importante sa aktres ay ang pagkakasali sa kanyang pelikula na Ma’ Rosa na foreign category sa Oscars. Proud din si Jaclyn para kay Andi kahit halos hindi na sila nagkikita ng anak dahil sa kasipagan nito.  

Show comments