^

Pang Movies

Sexy actress payag magpagalaw sa hunk actor na ‘di siya type

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Handa daw magpa-dyugdyog ang sexy actress sa hunk actor na matagal na niyang pinagpapantasyahan na masungkit.

Kaso mukhang wala raw chance na magkadaupang-palad sila nito. Kwento ito sa akin ng baklang dyulalay niya.

Marion nade-develop na kay Michael?!

How true na may nagbibigay ng inspirasyon kay Marion Aunor ngayon? Isang young and very handsome balladeer daw ang nagpapaligaya sa kanya na alaga ni katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan. Ganern!

Ginanap kahapon ang concert ni Marion sa 19 East Bar & Grill sa Sucat, Parañaque entitled Marion + LE Band at special guest niya si Michael with Ash Ash at Jeff Cipra, with katotong Ambet Nabus ng Chrismax DZMM Teleradyo na siya ring nag-host ng nasabing concert. Naku, baka magkadebelopan sila lalo kaya lang, may girlfriend na raw si Michael. Paano ‘yun?

Maganda ang takbo ng career ni Marion sa kasalukuyan pero hindi siya nagpapabaya. Magkakaroon siya ng bar tour para mas makilala pa ang kanyang musika.

Tom maelyang makakalimutin

Parang baliw si Tom Rodriguez sa TV series na Someone To Watch Over Me na napapanood sa GMA7.

Dinapuan ng sakit na Alzheimer’s disease ang role niya, sakit na pagkalimot na tulad rin ng role ni Sylvia Sanchez sa The Greatest Love na mapapanood naman sa ABS-CBN.

Parehong may magandang daloy ang istorya ng dalawang show. Kay Sylvia, awa ang mararamdaman mo, kay Tom naman ay inis.

Pati kasi anak at asawa niya nalilimutan niya pero ‘yung dating karelasyon niya sa katauhan ni Max Collins, e makita lang niya, halos maglambitin siya sa balakang nito, wag lang siyang iwan. Ganoon yata talaga ang sakit na Alzheimer’s! May conclusion agad ang mga home viewer na mas nakaka-elyang tingnan si Max kaysa ka Lovi Poe. Baka mas nae-excite ang notilya ng role ni Tom. E, sexy din naman si Lovi! Siguro raw mas iba ang dating ni Max. Nakakataas ng libido!

Hello, Dra…

I just want to say hello sa aking ophthalmologist na si Dr. Annabelle Galias ng Adventus Clinic at St. James Hospital (Cabuyao, Laguna). Sobrang idol daw niya si Ex-Batangas Governor at ngayon Congresswoman Vilma Santos-Recto. Outstanding ang beauty ni Dr. Galias, artistahin! E, di wow!

vuukle comment

SEXY ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with