Naging biktima ang Japanese actress and former adult star na si Maria Ozawa ng pakikialam sa kanyang passport information ng isang empleyado ng Bureau of Immigration.
Nagulat na lang si Ozawa nang may magsabi sa kanya na ang kanyang photo at ilang personal information sa kanyang passport ay pinost ng isang nagngangalang Armee Camzon sa Facebook page nito.
Confidential dapat ang personal information ng mga foreigner, lalo na sa isang celebrity na tulad ni Ozawa at hindi ito dapat isinasapubliko ng sinumang empleyado ng Bureau of Immigration.
Nagpahayag ng kanyang galit si Ozawa dahil nagustuhan na niyang manirahan dito sa Pilipinas, pero ang gumawa pa raw ng kabastusan sa kanya ay sa opisina pa ng Immigration nanggaling.
“I love this country and I’m doing my very best to stay here for good but how can I stay here for good when people like this really exist?
“How am I supposed to trust people?
“If this was just someone I knew or some random people posting it for fun I can understand.
“They are just being bastos. But people who actually work in the Immigration doing stuff like this? I just cannot believe it,” litanya pa ni Ozawa.
Nakarating sa spokesperson ng Bureau of Immigration na si Ma. Antonette Magrobang ang naging reklamo ni Ozawa.
“The BI Personnel Section was tasked to confirm whether the person who holds the account is one among BI’s almost 2,000 employees.
“The BI does not condone nor tolerate these acts.
“We assure the public that such case is isolated and the right to privacy of BI’s clients is our paramount concern.”