^

Pang Movies

Anak nina Ogie at Regine, techie na agad!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Ngayon pa lang ay muk­hang susunod sa yapak ng kanyang magulang na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang kanilang nag-iisang anak na si Nate.

Apat na taon pa lang si Nate at sa edad niyang ‘yun ay apat na rin ang kanyang endorsements. Ang latest nga rito ay ang kanyang pagiging ambassador ng Smart Watch.

Ang Smart Watch, ayon kay Regine, na sa anim na taon ay siyang ambassador ng PLDT, na nagpo-produce ng gadget, ay isang imbensyon ng kumpanya na malaki ang maitutulong, lalo na sa mga wor­king mom na tulad niya.

Sa Smart Watch kasi, pwede niyang makausap si Nate o i-monitor ito kung nasaan at ano ang ginagawa kahit wala sila ni Ogie sa bahay o kaya nasa school si Nate.

Proud sina Regine at Ogie sa kanilang anak dahil sa murang edad nito ay nakaka-adapt na si Nate sa new technology na ino-offer sa mga bata na tulad niya.

Ogie pa-concert concert muna habang wala pang kontrata

Of Ogie, ‘di raw alam ni Regine ang plano ng asawa regarding sa kanyang career move, ngayon na officially his contract bilang talent ng TV5 ay expired na.

Basta ang alam daw niya, nag-usap na ito at si Manny Pangilinan (MVP), owner ng TV5 at nagkataong ninong pa nila sa kasal.

Usap-usapan kasi na baka magbalik-Kapuso kung hindi man, Kapamilya, si Ogie.

Sa ngayon, busy si Ogie sa repeat ng kanyang concert na Ayaw Kong Tumanda.

BFY 2 season sana, Ayen mas napansin!

Sayang at obvious na hindi nag-klik ang tambalan nina Janella Salvador at Elmo Ma­galona. Dahil tinapos na kaagad ang kanilang series together na Born for You na hanggang two seasons sana.

Sayang dahil nagpakitang gilas pa naman si A­yen Munji-Laurel sa kanyang role bilang kontrabida sa soap. Na ayon sa kanya ay ‘di niya inaasahan.

Totoo bang tunay na sampal ang ipinadapo sa kanya ni Vina Morales sa confrontation scene na suppo­sedly ay naganap sa dressing room ng It’s Showtime?

Gaya ng iba pang cast ng Born For You, isang professional singer din si Ayen.

Ang kanyang husband na si Franco Laurel ay nag-e-edit ng magazine.

Hermano Puli para raw sa mga millennial

Nang pumayag daw ang film producer na si Rex Tiri para i-finance ang pelikulang Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli, ang gusto lamang daw nito ay maka-inspire, lalo’t sa young generation para mamuhay ng makabuluhang buhay.

Ang Hermano Puli raw, ayon pa rin kay Mr. Rex ang uri ng pelikulang kailangang tangkilikin ng mga manonood, dahil makakatulong daw ito upang ma-realize ng mga tao ang kahalagahang mabuhay ng maayos, hindi lang para sa kanyang sarili o sa kanyang pamilya, kung hindi bilang mamama­yan.

Directed by Gil Portes at based on a story and script ni Eric Ramos ang Hermano Puli ay pinagbibidahan ni Aljur Abrenica.

Starring sa nasabing pelikula ang real-life bro­thers ni Aljur na sina Vin at Allen. Kasama rin dito sina Louise delos Reyes, Enzo Pineda, Markki Stroem at Kiko Matos, among others.

True story ang Hermano Puli. Mapapanood na ito in theaters nationwide sa September 21.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with