True kayang 200 units ng mga bagong sasakyan ang inilabas ngayon para maging Uber? At ang may-ari raw ng mga nasabing kotse, ang multi-media actress/TV host na si Kris Aquino. Actually, matagal na itong nababalita pero tsika ng source, kamakailan lang ito naayos.
Ito raw ang bagong negosyo ng actress/TV host na nanahimik pa sa kasalukuyan matapos pumirma ng kontrata kay Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment.
Kaya wala pa ring kumpirmasyon kung saan na ba siya mapapanood, kung ABS-CBN or GMA 7 na. Ito ay kahit nabanggit ng isang source na nang magpaalam siya sa ABS-CBN ay pinayagan siya ng isang executive.
Anyway, base sa post ni Kris sa kanyang IG account, naglipat siya ng bahay almost a week ago. Umalis silang mag-iina ng Green Meadows. “We spent our 1st night here November 30, 2013. And tonight August 31, 2016 we’re spending our last night. This home brought us many blessings & many happy memories, including forever etched in my heart unforgettable #KrisTV episodes… Goodbye to QC for now, we’ll be back once our new home is done…”
Aiza biyaheng Laos, Liza ayaw nang patulan ang mga nega
Bongga si National Youth Commission (NYC) chairperson Aiza Seguerra.
Ka-join lang naman siya ni President Duterte sa Laos. Dadalo siya sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Makakasama nila ni Pres. Digong sa nasabing pagtitipon ang ibang youth leaders sa Southeast Asia.
Ito ang first official travel ng ating presidente at kasama pa siya.
At kung busy si Aiza sa kanyang trabaho sa NYC, busy din ang misis niyang si Liza Diño sa kanyang responsibilidad bilang chair ng Development Council of the Philippines (FDCP).
May ilang nang-iintriga sa kanilang puwesto pero ayon kay Ms. Liza mas importanteng ginagawa nila ang trabaho kesa paapekto sa bashers nila.