Nagulat si Allan K nang malaman na nag-viral ang video niya habang kumakanta sa isang kalye sa Quebec, Canada. Nakita kasi niya ang nakalagay sa gitara ng lalaki na isa siyang cancer victim kaya nangangailangan ng tulong pinansyal.
“Ang saya noon! Nag-viral ‘yon. Hindi namin iniisip na magba-viral ‘yon. Maaga kaming masyadong nagising sa Montreal kasi nga babalik na kami, road trip kami.
“So naghanap muna kami ng pasyalan tulad ng Notre Dame Basilica. Doon kinasal si Celine Dion kaya tourist destination talaga. Sobrang ganda sa loob.
“Tapos, paglabas namin, pasyal-pasyal, naghanap kami ng makakainan, nakita namin ‘yung mama na matanda na nagtutugtog tapos nakalagay sa gitara niya sa baba, cancer victim. Siyempre, naawa ako.
“Sabi nila (ng kasama niya), ‘Kumanta ka nga, Allan.’ Sabi niya, ‘Can you sing? ‘ ‘Of course.’ ‘What do you wanna sing?’ ‘What can you play?’
“Basta tumugtog na lang siya. ‘I know that one.’ Hotel California. So kinanta ko. Alam ko naman. Naloka ang mga tao kasi park siya na maliit lang. Parang lakaran lang.
“Sa magkabilaang sides, may restaurants na Al Fresco. So ang audience nila ganoon. Ang mga street performers. Tuwang-tuwa sila. ‘Yung mic na pang-miting de avance.
“Ang daming nagbigay ng pera kaya tuwang-tuwa ‘yung matanda! Sabi niya, ‘Can you sing again?’ ‘Yung mga nagbibigay, ‘Nice show, man!’ Kumanta pa ako ng Let It Be. Dumami ang tao. Ang daming nanonood! Maraming nagbigay ng pera sa kanya. In fairness, puro papel ang nilalagay. Walang barya!” kuwento ni Allan nang makachikahan ng press sa Zirkoh Comedy Bar. Galing siya sa Canada for a series of shows kasama sina Ate Gay, Boobay at Boobsie Wonderland.
Sa kanyang pagbabalik, balik-trabaho uli si Allan. Bukod sa Eat Bulaga, regular judge siya sa bagong GMA singing contest na Superstar Duets na umere ang pilot episode kahapon, Sabado. Napanood din kung anong klase siyang judge.
“Mataray lang. Simon Cowell ang peg pero sa akin siyempre, comedy. Si Simon, bukal sa kalooban niya ang pagtataray. Ako naman may halong comedy. Mataray na may comedy na may bawi. Hindi ka naman puwedeng mag-Simon Cowell through and through kasi magagalit ang fans!” rason niya.
Natuwa siya sa unang taping niya at ramdam niya ang saya ng show. “Kasi nga ‘yung international impersonators, kumakanta talaga. Walang lip synch. Ang galing. Nagulat ako. Heto live mong mapapanood,” sey niya.
Lahat daw ng walong celebrities ay nakakakanta gaya ni Jorross Gamboa. “Magaling din si Pekto na kumanta. Kinukuha ko nga siya dito (sa Zirkoh) eh,” sambit ni Allan.
Samantala, natanong din si Allan sa pagsagot ni Maine Mendoza kay Alden Richards sa kalyeserye ng EB. Magtatapos na rin daw ang kalyeserye. Wala siyang idea kung paano ‘yon magwawakas. Malapit na rin daw bumalik si Paolo Ballesteros.
“Siyempre kawalan din si Paolo kasi may naitutulong naman siya. Lalo na nu’ng lola-lola sila.
“Sinong nagsasabi na tatapusin? Anything can happen,” katwiran ni AK.
Totoo ba ang kilig niya sa pagsagot ni Maine?
“Oo! ‘Yun talaga. AlDub fan talaga ako. Pinakiramdaman ko pa rin sila kung kalyeserye pa ba ‘yon o totoo,” tugon ni Allan. “Parang totohanan eh. Umiyak sila pareho!” dagdag ni Allan.
Na-realize na hindi mabubuhay sa galing aktres na lumobo ang ulo sa mga papuri, balik na sa pagkayod
Tumanggap na rin ng trabaho ang may ibubuga sa akting na aktres. Kasi naman, isa rin siya sa lead stars kahit offbeat ang kanyang role.
Mula kasi nang makatanggap ng mga papuri sa akting niya ang aktres, super choosy na siya sa role. Umakyat na nga ang haleluya sa kanyang ulo kaya nagagawa na niyang mag-walk out sa taping. Lagi pa siyang tumatanggi sa trabaho na ikinasasakit ng ulo ng manager niya.
Worried siyempre ang staff ng programa lalo na’t sa bagong loveteam nakasentro ang series na gagawin nila. Pero kung sakaling mag-inarte ang aktres, handa naman daw silang isumbong siya sa management, huh!