^

Pang Movies

Malapit sa mga Pinoy mahihilig sa boxing parang nawalan ng kamag-anak sa pagpanaw ni Ali!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang nawalan ng kamag-anak ang mga mahihilig sa boxing dahil sa pagpanaw noong Biyernes ni Muhammad Ali aka Cassius Clay.

Kahit alam sa buong mundo na matagal nang may Parkinson’s disease si Ali, ikinabigla at kinalungkot nila ang balita na nag-babu na ang boxer na nagpasikat sa classic line na “I am the greatest.”

Malapit si Ali sa puso ng mga Pinoy. Bukod sa dumalaw siya sa Pilipinas noong dekada ‘70 para sa boxing fight nila ni Joe Frazier, ang Thrilla In Manila, love ng mga Pinoy si Ali dahil bilib at mataas ang respeto nito sa Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao.

Nang maglaban sina Papa Manny at Floyd Mayweather, Jr. noong nakaraang taon, kumbinsido si Ali na ang Pambansang Kamao ang tunay na nanalo.

Thanksgiving ni President-Elect Duterte, dinagsa rin ng mga pasaway

Libu-libo ang bilang ng mga kakabayan natin ang sumugod kahapon sa Crocodile Park sa Davao City para makisaya sa thanksgiving party ni President-elect Rodrigo Duterte.

Hindi nagkulang sa paalaala ang organizer ng thanksgiving party na huwag magdala ng mga payong, lighters at matutulis na bagay pero pinairal pa rin ng ibang mga Pilipino ang katigasan ng ulo.

Nagdala sila ng mga lighter, payong, kutsara at tinidor na kinumpiska ng mga alert na security personnel.

Walang nagawa ang pakiusap ng mga nagbitbit ng mga ipinagbabawal na gamit dahil mas importante ang kaligtasan ng lahat.

Ptv 4 at malacañang TV naka-exclusive ABS, GMA at TV5 hindi nakapuwesto sa thanksgiving party ni Digong

Kumalat kahapon ang balita na hindi pinayagan ang mga media broadcast set-up sa venue ng thanksgiving party.

Dalawa lamang daw ang binigyan ng permiso, ang PTV4 at Radio Television Malacanang (RTVM) kaya napanood sa live streaming ng state-run network ang mga nangyari sa party ng pasasalamat.

Pati raw ang mga announcement at statement ng Duterte administration, mapapanood na lang sa PTV4 na ikinatuwa ng mga empleyado dahil baka magkaroon na ng mga commercial load ang kanilang mga programa.

Wala pa akong nakakausap na reporter mula sa GMA 7 at ibang mga television network na magpapatotoo na hindi sila pinayagan na mag-set up para sa live coverage ng thanksgiving party.

Lumabas ang balita matapos sabihin ng kampo ni Papa Rody na ihihinto nito ang mga presscon dahil sa reaksyon ng madlang-bayan sa kanyang mga statement tungkol sa mga journalist at sa pagsipol niya kay Mariz Umali.

T-Shirt na may mukha mabentang-mabenta Baste tinalbugan pa ang matinee idols

Umiral ang pagiging negosyante ng mga vendor sa Davao City dahil hindi lamang mga pagkain ang ibinenta nila sa Crocodile Park.

Nagbenta rin sila ng mga Duterte t-shirt at ng mga t-shirt na may litrato ng presidential son na si Baste Duterte.

Pagdikit ni Ellen kay Baste nagbunga!

Walang balak si Baste na pumasok sa showbiz pero hindi nawawalan ng mga tsismis tungkol sa kanya tulad ng pagbabakasyon nila ng bold star na si Ellen Adarna.

Sina Baste, Ellen at ang kanilang mga kasama ang source ng tsismis dahil kung hindi sila naglabas ng mga litrato, hindi malalaman ng mga tao ang personal activities nila.

Kung ayaw nila na pagpistahan sila ng publiko, dapat ma­ging discreet sina Baste at Ellen dahil sa showbiz, ang mga artista rin ang gumagawa ng mga balita.

BISCHIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with