Sa presscon ng Love Me Tomorrow ay biniro ng entertainment press si Dawn Zulueta na hindi na niya pwedeng makatrabaho si Richard Gomez for the next three years since mayor na nga ito ng Ormoc City, pero heto’t may Piolo Pascual naman siya.
“I’m so glad,” natatawa niyang sabi. “I must be very lucky,” dagdag pa niya.
Sa kwento ng pelikula, mai-in-love ang character ni Piolo sa kanya na mas bata sa kanya. In real life ba ay may nagparamdam nang mas bata sa kanya?
“Yeah, hindi naman niya diretsang sinabi sa akin pero napi-feel ko lang. Siyempre it’s flattering,” say niya.
Sobra ring nag-enjoy si Dawn shooting the film dahil nga bata rin ang kanilang direktor na si Gino Santos.
“I’m telling you, it’s a breath of fresh air because you know, he maybe young but I’m the one who really enjoyed it because I learned so much from working with a younger director.
“It’s the first time I’m working with a younger director. All of them are either, ka-generation ko or over. Ngayong lang ako nakatrabaho ng direktor na mas bata.
“We would always dance on set. You know, ngayon lang ako nakapagtrabaho sa isang direktor na nilalaro ako. ‘Yung kada pasok at labas ko sa set, wala na siyang ginawa kundi loko-lokohin ako, aliwin ako, i-snapchat ako, I mean, I’m like really. . .I’m so. . .I’m telling you, it’s a break,” say pa ni Dawn.
Tanggap ang pagkatalo, Isko aasikasuhin ang pagbabayad ng utang
Mukhang masaya namang tinanggap ni Isko Moreno ang kanyang pagkatalo bilang senador dahil maaliwalas naman ang hitsura niya nang humarap siya sa Tonight With Boy Abunda at wala ni katiting na bahid ng sour-graping.
Tinanong nga siya ni Kuya Boy kung may bahid ba ng pagsisisi na tumakbo siya sa senado sa halip na mayor ng Manila. Marami kasi ang nagsasabi na mas malaki ang tsansa niyang manalo kung pagiging alkalde ng Maynila ang kanyang tinakbo.
Mabilis na sagot ni Isko ay wala naman daw siyang pagsisisi.
“Unang-una, I don’t want to divide the city. Because of too much politics, nalugmok ang siyudad dahil sa away ng mga politiko. In fact, nakita mo nga yung dating magkaaway, biglang nagkabati after 18 years,” pahayag ni Isko.
Sey naman ni Kuya Boy, “you’re talking about (Lito) Atienza and (Alfredo) Lim”.
Ayon kay Isko, na-shock daw ang Maynila sa alliance na ‘yun at maging sa kanya.
“Because when you do government, you have different visions and policies, that’s why you compete against each other,” he said.
Sa tanong kung kinonsidera ba niya na tumakbo bilang mayor ng Maynila, ayon kay Isko ay pinaubaya niya kay Mayor Joseph Estrada ang pagtakbo at maipagpatuloy ang ginawang pamumuno kung saan ay nabalik na ang Maynila sa pagiging no.1.
Ngayong wala na raw siya sa posisyon, babawi raw siya sa kanyang pamilya at magbabalik-showbiz na siya.
“Unang-una, siguro magpapamilya ako, marami akong utang sa mga anak ko. Second, I’ll do some business, yung maliit kong negosyo, ipo-focus ko. Then I’ll go back to showbiz,” say niya.
Coco napaaway sa mga siga sa palengke
Nag-post ng pasalalamat si Coco Martin sa kanyang Instagram account sa mataas na ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano last May 17, Tuesday. Ang episode na may hashtag na #FPJAPSugodBahay ay nagtamo ng 42.6% base sa datos ng Kantar Media.
At sa pagpapatuloy ng serye, haharap sa matinding sagupaan si Cardo (Coco Martin) laban sa grupo ng mga sigang kalalakihan.
Walang habas na sinaktan ng isang tindero si Onyok (Simon Pineda) matapos mabisto ng bata ang pandarayang ginagawa nito sa pagbebenta ng karne. At nang malaman ang insidente, agad din namang ipinagtanggol ni Cardo ang kanyang anak-anakan at ginantihan ang tinderong nanakit sa bata. Ngunit hindi nagpadaig ang tindero at tumawag pa ng resbak upang patumbahin si Cardo.
At bukod sa mga sigang kalalakihan, haharapin din ni Cardo ang lumalang kaso ng loteng sa kanilang komunidad. Sa kagustuhang mapag-aral si Mak-mak (McNeal Briguela), ma-eengganyo si Elmo (Marvin Yap) na tumaya sa loteng bagama’t ito ay labag sa batas at walang kasiguraduhang ligtas.