MANILA, Philippines – Aminado si Gladys Guevarra na pagdating sa love ay may pagkaluka-luka siya, pero never naman daw siyang nagpaka-attitude pagdating sa trabaho.
Sinabi rin ni Gladys na may mga pagkakataon na tumatanggi siya sa trabaho, pero may dahilan naman daw siya.
Kung minsan daw kasi ay hindi na kaya ng katawan niya, kaya siya tumatanggi.
Pero ngayon daw, nagpapaka-active na uli siya sa showbiz at kung anuman ang mga nawala sa kanya noong nagdesisyon siyang huwag munang magpaka-active sa showbiz ay hindi naman daw niya pinagsisisihan.
Sa presscon nga ng concert nila na Panahon Ng May Tama na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa February 13, sinabi ni Gladys na marami naman daw siyang naipon sa mga naging trabaho niya noon.
Naging masinop siya, kaya kahit hindi masyadong nagtrabaho ng matagal na panahon ay hindi naman siya ‘yung tipong naghirap!
Samantala, masaya si Gladys sa Panahon Ng May Tama comedy concert ila nina Boobsie Wonderland, Ate Gay at Papa Jack dahil isang karangalan nga naman na makapag-concert sa Smart Araneta Coliseum.
Ate Gay iniyakan ang nangamoteng concert
Ayon naman kay Ate Gay, hindi siya nagkaroon ng depression noong nagkaroon ng napabalitang ipinamigay ang tickets sa kanyang concert noon sa MOA Arena.
Dedma na lang daw siya, although iniyakan niya ang intrigang ‘yon.
Ayon naman sa producer niyang si Joed Serrano, kumita talaga ang MOA Arena concert ni Ate Gay.
Hindi raw nalugi roon si Joed.
Ang inamin ni Joed ay nalugi siya ng $1,000,000 sa concert ni Psy na nagpasikat ng kantang Gangnam Style.
Pero sa rami raw ng successful concerts na prinodyus ni Joed, nabawi na raw niya ang nalugi sa concert na ‘yon.
Regine pinayagang i-promote sa kanyang show ang katapat na concert
Wala namang gustong maniwala sa dialogue ni Boobsie na wala siyang alam na may gap sina Eugene Domingo at Jose Manalo.
Dalawa kasi sina Uge at Jose sa gusto ni Boobsie na imbitahan sa concert nila.
Samantala, pinuri ni Boobsie si Regine Velasquez-Alcasid na pinayagan siyang mag-promote ng Panahon Ng May Tama sa show nito na Sarap Diva kesehodang katapat ng concert nila ang Royals concert ng Asia’s Songbird sa MOA Arena na kasama naman nito sina Martin Nievera, Erik Santos at Angeline Quinto.