Naka-move on na nga si Yassi Pressman mula sa naging relasyon niya sa Kapuso comedian na si Sef Cadayona.
Tatlong taon na raw ang nakakalipas at kung anuman daw ang mga nangyari noon ay isang learning experience na lang daw iyon para sa bida ng pelikulang Girlfriend For Hire ng Viva Films at SMDC.
“I’ve moved on and sa totoo lang, I’m so much happier now.
“I guess when that unfortunate thing happened sa akin, maganda ang mga naging kapalit.
“Everything led to great opportunities para sa career ko.
“Kaya hindi ako nagkaroon ng chance na magmukmok or panghinayangan ko ang mga nangyari kasi maganda ang naging kapalit,” sey pa ni Yassi.
Simula nga raw noong maghiwalay sila ni Sef, never na raw niyang nakita o nakausap ito.
“Wala talaga… Hindi ko na siya nakita o nakausap. Kahit ‘yung accidentally seeing him, it never happened.
“The last time I saw him, nasa GMA 7 pa ako. But after that, wala talaga. He never tried to call. Hindi siya nag-try na mag-reach out sa akin or to say sorry.
“But it’s okay. Kung gano’n talaga siya, wala na tayong magagawa,” diin pa niya.
Kahit na walang naging closure sa pagitan nila ni Sef, walang bitter feelings si Yassi para sa kanyang ex-boyfriend.
“Sa totoo lang, never naman akong naging bitter towards him. Natutuwa pa ako actually kasi his career is doing well naman sa GMA 7.
“I want to put close that chapter of my life and start fresh,” ngiti pa ni Yassi.
Sa tanong kung napatawad na ba niya ang babaeng naging dahilan ng breakup nila ni Sef na si Andrea Torres?
Sagot ni Yassi ay: “Move on na po tayo.”
Benjie ikinagulat ang nangYari sa career ng dalawang anak
Very supportive father talaga si Benjie Paras dahil kahit na busy ang kanyang schedule, nagawa niyang puntahan ang anak niyang si Andre Paras sa press launch pelikula nito na Girlfriend For Hire.
May guest role si Benjie sa naturang pelikula bilang suporta niya sa kanyang panganay na bida na sa pelikula.
Inamin ni Benjie na hindi niya inakala na aabot sa gano’ng estado sa kanilang career ang dalawang anak niyang sina Andre at Kobe.
“Nakakagulat kasi parang kelan lang, pumirma sila with Viva.
“Noong una, gusto lang nila ng kapatid niyang si Kobe na mag-TV commercials lang. Hanggang sa kunin silang mag-host ng Sunday All Stars at si Andre kinuhang leading man for The Half Sisters.
“Ang bilis ng lahat, eh. Ngayon leading man na si Andre sa pelikula while Kobe will be playing basketball sa ibang bansa.
“Magkaiba man ang ginagawa nilang dalawa, natutuwa ako. I am very proud of my sons.”
Hindi naman daw mapagbigay ng advice si Benjie kay Andre pagdating sa acting. Alam niya kasing marami na itong natutunan sa mga nakatrabaho na nito sa teleserye at pelikula.
“I think the only time na napuna ko ang acting ni Andre ay noong nagkasama kami sa Wang Fam. Yun lang ‘yon.
“Fast learner si Andre at alam kong sa tagal ng itinakbo ng The Half Sisters, marami siyang natutunan mula sa mga co-stars niya.
“Sa pagpapatawa naman, natural comedian si Andre. Minsan serious ‘yan pero biglang hihirit ‘yan ng something na matatawa ka,” pagtatapos pa ni Benjie Paras.
Mariah Carey engaged na sa bilyonaryong dyowa
Officially engaged na si Mariah Carey sa kanyang Australian billionaire boyfriend na si James Packer.
Na-engaged nga raw ang dalawa noong nakaraang January 21 sa New York City.
Noong June 2015 unang nabalitaan na nakikipag-date si Mariah kay James. Nakita silang magkasama sa yacht ni James sa St. Bart’s. Simula noon ay naging inseparable na ang dalawa.
This will be Mariah’s third marriage. Una siyang kinasal sa kanyang mentor, discoverer and record producer na si Tommy Mottola noong 1993 at nag-divorce sila noong 1998.
Kinasal naman siya kay Nick Canon noong 2008 at nagkaroon sila ng twins na sina Moroccan and Monroe. Nag-divorce sila noong 2015.