^

Pang Movies

Katatagan at sipag ng isang OFW sa Dubai, isasabuhay sa MMK

Pang-masa

MANILA, Philippines –  Tunghayan ang kwento ng katatagan at inspirasyon ng isang OFW sa Dubai na sinuong ang lahat ng hamon para sa pamilya ngayong Sabado (Jan 16) sa MMK.

Bata pa lang si Lyn (Maricar Reyes) ay sinusubok na ng tadhana ang kanyang katatagan. Mula sa pagpanaw ng kanyang ama hanggang sa maaga niyang pagiging ina, matapang na hinaharap ni Lyn ang lahat.

Maging ang sariling pangarap maging abogado ay kanyang isinantabi para makipagsapalaran sa Dubai at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad ay naloko siya ng kanyang sponsor na nangakong hahanapan siya ng trabaho sa Middle East.

Paano ngayon haharapin ni Lyn ang kalbaryo sa ibang bansa na walang ibang malalapitan o masasandalan? Hanggang kailan niya kayang ilihim sa pamilya ang pagdurusang dinaranas?

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina James Blanco, Lotlot De Leon, Simon Ibarra, Gerald Madrid, Bea Saw, Raquel Montessa, Minnie Aguilar, Ynez Veneracion, at Viveika Ravanes. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval, at panulat ni Benson Logronio.

ANG

BEA SAW

BENSON LOGRONIO

DUBAI

GERALD MADRID

JAMES BLANCO

LOTLOT DE LEON

MARICAR REYES

MIDDLE EAST

MINNIE AGUILAR

NUEL NAVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with