Kris na-master na ang pagpatol sa mga basher
Dahil sanay na sanay na rin si Kris Aquino sa mga kaliwa’t kanang pangba-bash sa kanya sa social media, alam na alam na niya kung paano i-handle ang mga bashers at kung ano ang mga comments na dapat patulan at hindi.
“I will mind someone if number 1, it’s written correctly. ‘Yung alam mong hindi spur of the moment, ganu’n, pero ‘yung ni-review. Tapos pag may pertinent points na ni-raise or pag constructive din, why not?
“Pero pag ‘yung minumura ka na, ay report na kaagad. Tapos pag inaapi ‘yung anak ko, sasabihin ko talaga, “do it straight to my face, tingnan natin kung kaya mo”.
“Kung matapang ka dahil may anonymity diyan, doon ako bilib, doon sa mga super-tapang talaga na harap-harapan na “let’s fight”, di let’s fight,” say ni Kris.
Mga nanonood sa Nilalang ni Cesar, nadagdagan
Malaking bagay at karangalan para sa mga tao sa likod ng produksiyon ng Nilalang ang manalo ng limang technical awards sa kakatapos na MMFF 2015 Awards Night. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Cesar Montano at hot Japanese star na si Maria Ozawa.
Kasalukuyang nasa USA ang direktor ng Nilalang na si Pedring Lopez upang doon mag-Holidays, ngunit may pahayag (online) si Direk Pedring.
“Malaking inspirasyon sa aming mga bago pa lang sa industriya ang recognition ng awards na ito,” sabi ni Direk Pedring.
Samantala, simula noong January 1, dahil na rin sa clamor ng netizens, nagdagdag ng mga sinehang palabas ang Nilalang, at ito ay ang mga sumusunod:
Glorietta 4, SM North Edsa, SM Megamall, SM Marikina, SM Manila, SM Fairview, SM South Mall, SM Sta Mesa, Robinsons Galeria, Gateway, SM Iloilo, SM Lanang, SM Cebu, SM Bacoor, Robinsons Pampanga, Robinsons Metro East, Festival Mall, Market Market.
Simula naman January 4, 2105 papasok ang additional cinemas na ito: SM Mall of Asia, Trinoma, at Robinsons Ermita.
Sylvia wala nang wini-wish pa
Naging maganda rin ang taong 2015 para sa pamilya ni Sylvia Sanchez. Sa taong ito ay natupad na ang dream ng anak niyang babae na si Ria Atayde na maging artista at mapasama sa teleseryeng Ningning.
Si Arjo naman ay kasama sa top-rating serye na Ang Probinsyano with Coco Martin na na-extend nang na-extend at sa mid-2016 pa matatapos.
Si Sylvia naman ay kasama rin sa seryeng Ningning at tumanggap pa ng Most Outstanding Filipino Performer In TV and Film award para sa Maalaala mo Kaya (MMK) and Be Careful With My Heart sa TV at sa pelikula naman ay The Trial sa Gawad Amerika na ginanap sa USA.
Ano pa ba ang mahihiling ni Sylvia ngayon?
“Ako, bilang nanay, sa mga nangyayari ngayon sa career ko, wala na akong mahihiling. Ang tanging hinihiling ko lang, ‘yung intact ‘yung pamilya, ‘yung hapiness, ‘yung walang sakit, ‘yung health na lang namin ang hinihingi ko.
“Kasi, sabi ko nga sa Diyos, “binibigay Mo naman ‘yung career ng mga anak ko, eh, so alam Mo ‘yung ginagawa Mo, so bahala Ka na diyan”. Kung baga, binabalik ko sa Kanya ‘yung problema din diyan, eh. ‘Yun na lang,” say ni Sylvia.
Kung sa sarili niya ay wala na raw siya talagang mahihiling pa at para na lang daw sa mga anak niya ang kanyang mga pangarap ngayon.
- Latest