Ayon sa Reality Entertainment boss na si Dondon Monteverde na isa sa producers ng Honor Thy Father, masakit daw para kay John Lloyd Cruz ang sinapit ng kanilang pelikula.
“Siyempre, bibigyan natin talaga ng konting panahon si John Lloyd din na lumamig,” say ni Dondon sa kanyang panayam sa Tonight With Boy Abunda when asked kung nasaan si Lloydie sa gitna ng kontrobersiya sa MMFF at sa Honor Thy Father.
Ayon kay Dondon, first movie ni Lloydie ang HTF na executive producer din ang aktor bukod pa nga sa ito ang first MMFF movie nito.
“Mahalaga sa kanya itong pelikula na ‘to. In fact, alam naman natin, sa pelikulang ito, nagpakalbo pa siya, ibinigay niya ang lahat dito sa movie na ito.
“Siyempre, sa sinapit ng movie na ito, siyempre, masakit para sa kanya. Parang ngayon, naintindihan niya ‘yung plight ng mga executive producers na tulad ko na masakit ‘pag tinatamaan o inaapi, parang ganu’n,” pahayag ni Dondon.
As we all know, na-disqualify ang HTF sa Best Picture category sa MMFF na tinutulan nina Dondon at Erik Matti pati na rin ang ibang taga-showbiz including the DGPI (Directors Guild of the Philippines, Inc).
Manager ni Jennylyn, proud na proud sa back- to-back award ng alaga
Kahit nasa USA ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila at kasalukuyang nagbabakasyon kasama ang kambal na anak na sina Katrina and Bianca, siyempre ay nakarating agad sa kanya ang pagkakapanalo ng alaga ng Best Actress award for Walang Forever sa nakaraang Metro Manila Film Festival awards night.
Syempre, masayang-masaya si Tita Becky at proud na proud kay Jen.
Sa kanyang Facebook account ay nag-post siya ng kanyang nararamdaman at pag-congratulate kay Jen.
“I am so blessed to manage such an amazing artist. An artist who is not only talented, but also kind, sincere, and a good person on and off screen. Congratulations @mercadojen for your back to back win for Best Actress at the MMFF awards. You definitely deserve it. I am so proud of you.
“It is such a privilege to work with the people behind Quantum Films. To my dear friend Atty. Joji, thank you for always believing in Jen. To the team of Quantum films, you guys are amazing!
“P.s. Sa lahat ng hindi pa nakakapanuod ng Walang Forever (best picture) at Buy Now Die Later (2nd best film) please do. These two films deserve to be seen. Thank you!” ang post ni Tita Becky sa kanyang FB account.
Bagama’t nanghihinayang din ang manager na hindi pa niya napapanood ang movie, pagdating na pagdating daw niya sa Enero ay ito raw agad ang kanyang panonoorin.
Tonton at Dimples pakakasal na
Magpapakasal na sina Alfonso (Tonton Gutierrez) at Michelle (Dimples Romana) sa And I Love You So. Sa kanilang pagpapakasal, maitatama na nila ang kanilang mga pagkakamali sa isa’t isa at makapagsisimula na ng panibagong buhay kasama ang kanilang anak na sina Joana (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barretto).
Ngunit sa pagbabalik ni Katrina (Angel Aquino), sisiguraduhin niyang mararamdaman nina Alfonso at Michelle ang kanyang pagtutol sa kanyang mga inihandang sorpresa para sa dalawa.
Abangan ang mga plano ni Katrina laban kina Alfonso at Michelle sa And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.