^

Pang Movies

Show ni Alden sa isang store, niragasa ng mga tao

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Blessing pa more Alden Richards!  Kuwento ng isang talent manager na friend ang supervisor ng isang chain of grocery stores, dapat daw noong isang araw ay may show si Alden sa main store nila.

Siyempre pa ay may poster ni Alden sa kanilang store para malaman na treat nila iyon sa mga customer nila for Christmas.

Kaya lamang, ikinagulat nila na gabi pa before the show at sarado pa ang store nila, napuno na raw agad ng tao ang grounds sa labas ng store.

Hindi raw nila alam kung saan galing ang mga tao at nahirapan din silang buksan ang store on time hanggang hindi naayos ang security sa lugar.

Hindi rin makapag-park ang sasakyan ng mga customer, kaya napilitan na raw ang management na i-cancel na lang ang show ni Alden at nag-apolo-gize sila sa mga tao na hindi na tuloy ang show.

Pero ang talent fee ni Alden, ibinigay pa rin nila dahil hindi naman kasalanan ni Alden na hindi nila itinuloy ang show.

Sid napasayaw ng Macarena sa pelikula

Nag-enjoy kaming panoorin ang press preview ng isa sa four New Wave entries sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Toto ni Sid Lucero.

Comedy-drama ang movie na dinirek ng batang-batang director na si John Paul Su.

Kuwento ito ng isang young Filipino room service attendant sa isang hotel mula sa Yolanda stricken Tacloban na ang gusto lamang ay makapunta ng Amerika para mabago ang buhay ng kanyang biyudang ina na may sakit at kapatid.  First comedy movie ito ni Sid, hindi ba siya nanibago sa bagong role?

“Nahirapan ako sa comedy,” sabi ni Sid.  “Hindi ako sanay mag-comedy pero masayahin naman ako off-camera. First time ko ring sumayaw, at Macarena pa na ilang beses akong nag-practice, mabuti na lamang sabi ni Direk JP hindi ko kailangang husayan ang pagsasayaw. Nakakasayaw lamang ako sa family gathering kapag lasing ako, ha ha ha!

“Pero ayaw ko ng character ni Toto, bulag siya na matupad ang kanyang goal, ang dami niyang nasaktan, pero gusto ko siya kung paano niya minahal ang kanyang pamilya, na gagawin niya ang lahat para matupad lamang ang kanyang American dream para sa kanila. Gusto ko rin ang ending, sana panoorin ninyo.”

Maraming characters sa movie, hindi namin in-expect na si Rafa Siguion-Reyna ay papayag na maging beki dancer sa isang club, pero machong-macho siya kapag nagagalit kay Sid. Ang husay-husay din ni Thou Reyes, kasama rin sina Blake Boyd, Mara Lopez, Neil Ryan Sese, Bembol Roco, Bibeth Orteza, Liza Diño, Jelson Bay, Che Ramos, Marnie Lapus, Raul Montesa, Carlo Cruz, David Christopher, Lorenz Martinez, at Sheila Valderrama.

Mapapanood na ang Toto simula sa December 17 – 14 sa select cinemas ng Robinsons Place Manila Midtown Cinema, Glorietta 4, at SM Megamall.

Nakausap namin si Sid Lucero after the preview at biniro namin siya dahil kasama niya ang bago niyang girlfriend, si Annicka Dolonius. Ilag siyang magkuwento ng tungkol sa kanyang love life, pinagpawisan si Sid sa pag-amin na three to four months na ang relasyon nila ni Annicka.

Minsan daw silang nagkasama sa isang movie at nag-click sila dahil they share the same philosophy in life.

ALDEN RICHARDS

ANG

ANNICKA DOLONIUS

BEMBOL ROCO

BIBETH ORTEZA

BLAKE BOYD

CARLO CRUZ

HINDI

NILA

SID

SID LUCERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with