Dingdong Dantes, tuloy-tuloy ang pangangaral tungkol sa Climate Change!

MANILA, Philippines – Sobrang active talaga ni Dingdong Dantes pagdating sa panga­ngaral patungkol sa iba’t ibang aspeto ng Climate Change.

Layunin niyang maturuan ang kanyang kap­wa Pilipino na maging handa sa lahat ng mga sakunang maaari na­ting maranasan sa mga darating pang panahon. At ngayong Linggo nga (Disyembre 6), mapapanuod sa SNBO sa GMA ang 2Degrees, isang dokyumentaryong patungkol sa Climate Change. Kasama ng Kapuso Primetime King dito ang GMA News personality na si Jiggy Manicad.

Show comments