MANILA, Philippines – May temang Pasko ang mga tanong ni Ricky Lo sa kanyang exclusive interview kina Alden Richards at Maine Mendoza sa CelibriTV.
Sagot ni Yaya Dub sa tanong kung paano i-spend nito ang Pasko ngayong taon.
“With my family po, pupunta po kami ng Japan this Christmas.
“Until New Year, doon po kami magse-celebrate.”
So ibig sabihin pala nito ay hiwalay ang pamosong loveteam ngayong Christmas at New Year.
Si Alden naman, tradition na raw na sa bahay sila nagpa-Pasko.
“’Yung family po kasi namin talaga, every year or occasion, we just stay at home.
“Ganoon na po kasi kami lumaki—just spend time together kasi nga po like me, hindi na namin gaanong nakakasama ‘yung family now these past few months because of schedule. We will find a place na lang po here.”
Excited na ang AlDub Nation sa pelikula nilang My Bebe Love na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival sa December 25.
Gusto nga raw silang mapanood ng kanilang mga fans na sakay ng float na paparada sa Roxas Boulevard sa Bisperas ng Pasko.