MANILA, Philippines – Pati si Solenn Heussaff na tumira at nag-aral din sa Paris ay affected sa terrorist attack sa nasabing lugar.
Sa litrato ng isang babaeng umiiyak na pinost niya sa kanyang Instagram account (@solennheussaff) naglagay siya ng caption na: “What kind of a sick world do we live in :(#PrayForParis #PrayForTheWorld).”
Bukod kina KC Concepcion at Solenn, marami rin Pinoy celebrities ang nagkaisa sa hashtag na #PrayForParis na kino-condemn ang terrorist attack na kini-claim ng ISIS.
Richard lumipad pa-Milan para sa motorsiklo
Dahil sa APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation), maraming showbiz events and works ang apektado.
May ibang mga nag-advance taping dahil lalo pang magsisikip ang traffic.
May presscons din na hindi muna gagawin this week para makaiwas sa APEC.
Pero kahit may APEC Summit, hindi naman magpapaawat ang iFlix na isa sa mga business ng grupo ni Mr. Manny V. Pangilinan at tuloy na tuloy ang pagpapakilala nila sa celebrity endorsers cum ambassadors nila mamayang hapon sa isang hotel sa Makati.
Hindi nga lang makakasama si Richard Gutierrez sa event na ito ng mga kapatid na sina Ruffa at Raymond, pati ng ibang celebrities na sina Iza Calzado, Karylle at Jasmine Curtis-Smith dahil umalis na siya kahapon pa-Milan, Italy para sa bike convention doon ng Ducati.