Taped na ang comedy-variety show na Sunday PinaSaya kahapon kaya napanood pa rin si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Mukhang sinusulit pa ni Marian ang pwede pa siyang mag-appear sa TV bago siya magsilang any day sa third week of November ng first baby nila ni Dingdong Dantes, si Baby Letizia.
Ang ganda-ganda pa rin ni Marian na naka-costume ni SnowWhite sa costume party nila sa Halloween presentation ng show. Nag-effort talaga ang buong cast ng show at ang gaganda ng costumes nila.
Nag-shoot na sina Marian at ang husband niyang si Dingdong Dantes ng GMA Christmas Station ID.
Nag-shoot na rin ng episode nila sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) pero hindi sila magkasabay dahil magkaiba ang location nila.
Kasama nina Alden at Maine ang tatlong lola ng kalyeserye played by Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo.
Angelu may bagong negosyo na naman
Masaya ang Christmas ng cast at production staff ng afternoon prime drama na Buena Familia dahil extended ang kanilang afternoon prime drama until January, 2016.
Iyon ang kuwento ni Angelu de Leon nang bumisita kami sa opening ng una niyang itinayong business, ang The Make-Over Lounge sa Xavier Residences, in front of Xavier School in Greenhills. Hindi raw siya nag-iisa sa binuksang beauty lounge dahil fourteen silang puro girls na magkakasama, with Chef Rosebud Benitez at si Phoemela Barranda.
Inamin ni Angelu na ang asawang si Wowie Rivera ang nag-motivate sa kanya na mag-business, kaya nang mag-open naman ng restaurant business nito, ang Spice & Clever, nandoon siya para tumingin-tingin kung paano mag-manage, kahit ibang-iba naman ito sa business na itinayo niya.
Iyong mga naka-experience na ng services ng kanyang saloon ay nagri-request na maglagay siya ng branch sa Quezon City, dahil mahusay ang kanyang mga tao at very affordable ang prices nila. Titingnan daw muna nila, dahil four months pa lamang naman sila, at kung kailan sila pwede nang maglagay ng branch in Quezon City.
Since almost three months pa ang itatakbo ng Buena Familia, ano ang pwedeng asahan sa story nito, like, naalaala na ba niya kung sino talaga siya, kung ano ang relasyon niya sa mga gustong makuha siya, na hindi niya alam ay mga anak pala niya, at kung sino si Arthur na asawa raw niya? Marami pa raw mangyayari sa story, na tiyak na ikagugulat ng mga televiewers, lalo sa kanya. Napapanood ang Buena Familia after The Half-Sisters na halos ding makakasabay nilang matapos sa January, 2016.
Jennylyn ‘lagare queen’ na rin
Isa pang primetime drama ng GMA 7 na mai-extend ng another week ay ang My Faithful Husband na nagtatampok kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
May mga eksena raw na hindi pwedeng bitawan kaya dapat silang mag-extend pa kahit isang linggo lang.
Kaya si Jennylyn, lagare talaga sa trabaho, sa taping ng Sarap with Family cooking show ng GMA News TV, sa live telecast ng Starstruck 6 at sa taping ng soap dahil kailangan nilang mag-shooting ni Jericho Rosales sa Singapore para sa Walang Forever na entry ng Quantum Films sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.