Hindi lang siguro talaga maarte si Maine Mendoza aka Yaya Dub sa mga damit na isinusuot niya. Basta siguro nakita niyang maganda naman at walang problema, sige lang siya. In the first place, ang mga damit na isinusuot naman ng mga artista sa kanilang mga pelikula, TV shows, at maging sa pictorials ay karaniwang hindi sila ang namimili. Kasi may mga stylist sila.
Noong araw, sige-sige lang ang mga artista sa mga damit na isinusuot nila. Ngayon ay talagang may mga stylist na sila. Hindi lang basta suggestions iyon ha, talagang mayroon nang professional stylists ngayon. Binabayaran sila para mamili ng damit na gagamitin ng mga artista. Karamihan sa mga stylist ay models o personalities na kilala sa mahusay na mahusay mamili ng mga damit.
Nabanggit namin iyan dahil sa hindi matapus-tapos na controversy ng gown na isinuot ni Maine doon sa sinasabing historic concert nila kamakailan. Ginawang issue ang gown na una na raw isinuot ni Kim Chiu. Hindi naman talaga issue eh, masama lang ang kanilang damage control. Kung iyon ba naman ay inamin na nila ang totoo, walang problema eh. Kaso nga ang dami pa nilang alibi.
Nasundan pa iyon ng isang blazer na ipinasuot daw kay Maine para sa isang magazine pictorial. Iyong mismong blazer jackets ay sinasabing ginamit na rin ng stylist ni Maine para sa kanyang naunang pictorial. Kaya nagkaroon ng reaksiyon - ano ba sila lahat na lang ng used items ipinagagamit kay Maine?
Ibabalik naman namin ang isang tanong. Kung iba kaya ang nagsuot noon at hindi si Maine, mapapansin pa ba na recycled ang mga nasabing damit?
Una, liwanagin natin na hindi kasalanan ni Yaya Dub iyon. Siguro sa rami ng kanyang iniintindi, imposible namang masundan pa niya ang lahat ng mga damit at kung sinu-sino ang mga gumamit na. Ikalawa, siguro nga hindi siya particular. Basta maganda sa tingin niya ay ok lang. Katunayan, isinuot pa niya ang isang damit na ginawa ng isa niyang fan para sa kanya. Maganda naman eh, at masasabing ginawa iyon out of love for her.
Bagama’t masasabi nga sigurong kailangan mas maging maingat sila sa mga damit na ipinagagamit sa pambansang yaya, dahil sikat na sikat na siya ngayon. Minsan, dahil madalian naman talaga ang events, napipilitan silang mag-suot ng ready made. Hindi naman maaaring sa lahat ng pagkakataon ang gagamitin niya ay specially made para sa kanila.
Heneral Luna pinipilahan pa rin
May narinig kaming observation na sa palagay namin ay tama. Ang mga biopic, o mga historical movies ay dapat makatotohanan at hindi ginagawa para sa propaganda lamang. Dahil sa Internet, napakadali na ngayon ang mag-research, at nalalaman na ng mga tao kung ang ginagawang biopic ay totoo o propaganda lamang.
Ang mga makatotohanan, kumikita iyan at ineendorso ng mga tao mismo kahit na walang pralala, kagaya ng Heneral Luna. ‘Yung puro pralala lang, hindi kumikita kahit na ano ang gawing pambobola ay hindi kinakagat ng mga tao.
Hindi nagyabang ang Heneral Luna ng daang milyong puhunan sa paggawa ng pelikula. Hindi sila nagyabang kung sa ilang sinehan sila palabas, pero hanggang ngayon ay palabas pa rin ang pelikula nila at pinapasok pa rin ng mga tao. Kasi nga, makatotohanan ang pagkakagawa.