Michael ayaw ma-distract sa babae

Michael

Walang maniwala na walang lovelife si Michael Pangilinan lalo’t feel na feel nito ang pagkanta ng theme song ng Everyday I Love You na It Might Be You na palabas na sa mga sinehan ngayon.

Kaya sa pagdiriwang ng #NationalIloveyouday kahapon na kasabay din sa pagbubukas ng movie sa mga sinehan, bukod tanging ang mommy lang daw niya ang kanyang sinasabihan ng wagas na kataga.

Bago pa raw siya umalis ng bahay ay ipinaramdam na ni Michael sa kanyang mommy kung gaano ito kahalaga sa kanya. Masarap daw magluto ang mommy ni Michael kaya ito ang hinahanap niya sa kanyang pag-uwi. Pero kapag nasa bahay lang siya, ginagawan naman niya ng mga experiment niyang merienda ang mommy at pamilya niya.

Bale ba tatlo silang lalaking magkakapatid na love na love rin ang reyna ng bahay nila - ang kanilang mommy.

Ayaw daw muna ni Michael ma-distract sa kanyang career ngayon dahil nabibigyan siya ng magandang pagkakataon at exposure. Ang gusto lang daw niya sa babae ay simple at hindi sakit ng ulo. Hindi rin daw kailangang mayaman basta mabait at maka-Diyos.

Gusto raw muna niyang may mapatunayan sa kanyang singing career bago siya ma-distract sa ibang bagay.

Samantala, bukod sa kantang It Might Be You, pino-promote rin ni Michael ang kanta niyang Tanging Ligaya, Ayoko Na Sana, at Tag-Araw, Tag-Ulan.

Dalawa sa mga nabanggit na kanta ay original songs ng dalawang “Kilabot ng mga Kolehiyala” na sina Ariel Rivera at Hajji Alejandro.

Bagama’t proud, nahihiya siya tuwing ikinu­kumpara kina Ariel at Hajji.

Show comments