Puro bashing na, kampanyang good vibes wala na, Showtime gusto pang ilibing ng netizens

Vice Ganda

Patuloy pa rin ang isyu tungkol sa pasiklaban ng noontime shows at kung saan-saan na nakakarating ang usapin lalo na nga sa social media na kahit sino ang pwedeng mang-bash at i-bash.

So far, nakatikim na sina Lea Salonga, Kris Bernal at Bianca Gonzales ng bagsik ng AlDub fans dahil talagang na-bash-to-death sila.

Taliwas ang nangyayari sa ginagawa naman ng noontime shows na magpasaya at magpaligaya ng viewers tuwing tanghali.

Pero imbes na ikalat ang good vibes ay panay bashing ang laman ng social media. Hindi ba pwedeng maging happy na lang para sa success ng isa’t isa?

In fairness kay Vice Ganda, kahit maraming tumutuligsa sa kanya at sa show niya, tuloy pa rin siya sa pagpapalaganap ng good vibes para sa madlang people na patuloy na sumusuporta sa It’s Showtime.

May mga nagsasabi na nakakarma siya kaya natatalo sila ng Eat Bulaga pero sa totoo lang, hindi naman kailangang pagkumparahin ang dalawang shows.

Dapat siguro ay healthy competition ang pairalin para laging panalo ang viewers. Dahil pagandahan ng programa ang labanan, natural mas maraming magagandang shows na mapapanood ang publiko. At mas maganda kung purihin na lang sana ng viewers ang mga gusto nilang napapanood at huwag nang mang-bash na siyang nangyayari ngayon sa social media.

Nakakaloka lang ang ibang netizens at fans na parang gusto nang ilibing ang It’s Showtime sa kanilang mga negative comments.

Sana ay maging masaya na lang sila sa tagumpay ng paborito nilang show at huwag nang mambatikos ng iba.

I-consider din sana nila ang feelings ng mga bina-bash nila dahil tao lang naman din ang mga itong tulad nila na nasasaktan dahil sa mga grabe nilang komento.

Huwag namang masyadong nega at good vibes na lang sana ang pairalin, ‘di ba naman?

Jolina at Mark, bisyo na ang mag-check in sa hotel

Magda-dalawang taon pa lang ang anak nina Jolina Magdangal and Mark Escueta na si Pele Iñigo kaya naman silang mag-anak ang napili ng Megasoft Hygiene Products para maging endorsers ng produkto nilang Super Twin Premium Baby Diaper.

Sa bonggang press launch nga ng produkto na ginanap last Tuesday ay natanong kung kaylan ba nila balak sundan si Pele, ayon kay Jolens ay baka next year pa.

“Siguro mga last quarter (of next year), siguro, mga November 3, woah, may date!” natatawang sabi ni Jolens. “Hindi, siguro, baka next year pa at sana, girl ang next.”

Mahilig pala silang mag-anak na mag-check-in at mag-overnight sa mga hotels. Gustung-gusto nila kapag may mga promo-promo sa mga hotels at ‘yun daw ang bonding moments nila.

“Mahilig kami sa kama, nagkikilitian, tumbling-tumbling, ganyan. Mahilig kaming kumain sa labas, mag-mall, tapos mag-check in sa hotels. Tapos, mag-Family Day kahit hindi Sunday,” say ni Jolens.

When asked kung may nakikita na ba siyang signs na susundan din ni Pele ang yakap nilang mag-asawa na maging artista or maging singer, say ni Jolens ay hindi pa niya sure dahil nga bata pa ito.

Show comments