Kung titingnan ngayon ang dating child actress na ito, lumaki itong maganda at makinis.
Halatang naging maalaga na ang dating child actress sa kanyang sarili simula noong magdalaga na ito.
Pero noong child actress pa lang daw ito, hindi raw ito inaasikaso ng kanyang ina at ang mga taga-production ng sinamahan nitong teleserye ang nagpo-provide ng mga gamit nito sa taping at pati na sa pagiging maayos nito sa taping.
Hindi na raw matandaan ng young actress ang mga ginagawa niya noon. Kaya hindi siya aware na nagiging madungis daw siya kapag nasa taping siya at mga tao sa taping ang naglilinis sa kanya at hindi ang kanyang ina na walang ginawa raw kundi maglaro ng Angry Birds.
Naaawa nga raw sila sa bata dahil kulang-kulang ang mga gamit kapag nasa set na ito. Tuloy pati ang personal hygiene ng bata ay naaapektuhan.
Napapansin nga nila na dumarating ang bata sa set na hindi naliligo.
Inaamoy daw ng staff ang bata at kapag may hinala silang hindi ito nakapaligo, papaliguan muna nila bago ito kunan sa set.
Kinaiinisan nga ng staff ang nanay ng child star dahil wala nga raw dala-dalang pamalit na damit ang kanyang anak.
Kahit nga raw ang mga dapat na dalhin na alcohol, bimpo, cologne at sabon na panligo sa bata ay wala itong dala. Inaasa raw nito ang lahat sa production.
Niregaluhan na nga nila ito ng isang basket na puro mga pabango, shampoo at sabon na pambata. Para naman wala na silang excuse para hindi malinisan ang bata.
Kaya kailangan na talagang mag-retire Manny rumurupok na ang katawan sa boxing ayon kay Arum
Kahit na nagsabi na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na mag-retire na siya sa boxing after ng kanyang laban sa April 9, hindi naman daw nalulungkot ang kanyang promoter na si Bob Arum.
Alam naman daw ni Arum na darating din ang panahon na kailangang itigil na ni Manny ang boxing at mag-shift na sa ibang career. Nagkataon na politics ang napili nito.
“Manny told me this would be his last fight and I’m not sad about it because he’s going on to a political career which will require a lot of mental acuity, so you don’t want him to stay in boxing too long,” sey pa ni Arum.
“It’s a real job and if Manny is serious about wanting to be president, these six years in the senate would be like an audition and for him to show his people that he really is a serious politician.”
Dagdag pa ni Arum na kung hindi pa raw titigil si Manny sa boxing, magiging masama na raw ito para kanyang katawan dahil ilang taon na niya itong ginagawa.
LJ eentrada na sa buhay ni Marimar
Pagkatapos manalo ng kanyang first international best actress award para sa pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan, mapapanood na ngayon sa teleseryeng MariMar si LJ Reyes.
Gagampanan ni LJ ang papel ni Innocencia, ang panibagong babae na magiging kontrabida sa buhay ni MariMar.
“Masarap silang katrabaho. Naka-bonding ko agad ang buong cast.
“Kami ni Megan (Young), matagal na kaming magkaibigan dahil magka-batch kami sa Starstruck 2. Magkasama kami sa Final 6 noon.
“It’s so nice to work with her again.
“Nag-throwback nga kami ng mga days namin sa Starstruck with Ryza Cenon, Mike Tan, Kevin Santos and the rest.
“Masaya lang kasi super-bonding kami kahit na isa ako sa magiging kontrabida niya sa MariMar,” pagtapos pa ni LJ Reyes.