^

Pang Movies

Enrique lalong nababaon sa kaka-sorry!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Simula noong humarap si Enrique Gil sa me­dia noong press conference ng kanyang pe­li­kulang Everyday I Love You, wala na yata ka­ming nakita kung ‘di nagsisisi siya sa nangyaring controversy sa kanya sa eroplano ka­ma­kailan, at paulit-ulit siyang nagso-sorry dahil sa nangyaring iyon.

Nakapag-sorry na naman siya pagkatapos noon, palagay naming ay tama na iyon. Ang naging controversy lang naman pagkatapos noon ay ang reaksyon ng ilan niyang fans sa mga artistang nagalit sa kanya dahil sa insidente.

Bina-bash ng kanyang fans ang mga iyon, na natural magalit din lalo.

Pero hindi naman si Enrique iyon eh kundi ang fans niya.

Hindi pa nga tayo nakakasiguro kung ang mga bashers na iyon ay talagang mga fans nga ni Enrique o mga taong ang gusto lang talaga ay siraan siya.

Palagay din namin ay nagkaroon ng pagkakamali sa ginawang da­mage control. Siguro nga ang layunin nila ay iligtas si Enrique dahil siya ay mas hot property ng kumpanya, pero sa kanilang naging aksiyon ay naging underdog naman ang mga nakalaban niya at nakakuha ng simpatiya ng publiko.

Ngayon sinisisi pa si Enrique dahil sa nangyari sa kanilang career.

Sa damage control, ang dapat sana ay iwasan nang mapag-usapan pa ang naging problema. Mas mabilis na makalimutan iyan ng mga tao, mas mabuti.

Kaya iyang paulit-ulit na pagsisisi sa nangyaring iyon ay hindi na sana dapat pang isapubliko.

Habang binabanggit iyan, lalo lang naaalala ng mga tao ang hindi magandang ginawa ni Enrique sa eroplano habang papunta sa London. Kaya nga sinasabi naming mali ang damage control.

Unfair din iyon at hindi nakakatulong kay Enrique. Dapat sana sa halip na iyon ang ginawa nila, pag-usapan na lang kung ano nga ba ang kanyang ipinakita sa pelikula.

Sabihin kung magaling ba siyang actor talaga. Dapat iniiwasan ang mga ganoong controversy.

Pero ang pag-iwas sa mga gan­yang controversy ay hindi ang pagsasa­bing “bawal magta­nong” ng tungkol doon.

Dapat kung may controversy, sagutin nang minsanan lamang, pero dapat credible ang sagot.

Megan hindi na raw gaanong pinag-interesan sa MariMar

Palagay din namin, unfair din naman kay Me­gan Young iyong sinasabi nilang mukhang walang nangyayari sa paglabas niya bilang si MariMar.

Mahusay naman si Megan, at saka ang totoo, wala namang kahit na sinong gumaya kay Marimar na ang ratings ay kasing taas noong original na Mexican series na ginawa ni Thalia.

Noong panahong palabas iyon, lahat ng mga tao nakatututok sa Mari­Mar. Parang AlDub iyan noong araw. Lahat naman ng sumunod hindi umabot doon eh. Mahirap mong pantayan ang original, lalo na’t remake ka na lang na ibig sabihin alam na ng mga tao ang kuwento.

Hindi lang naman Marimar eh. Ginaya rin naman iyong Maria la del Barrio, hindi rin naman kasing taas ang ratings noong original na Mexican drama. Siguro nga nasagad na ang interest ng mga tao nang unang ilabas ng RPN 9 iyang MariMar. Iyon ang nagsimula ng Mexican drama trend sa Pilipinas. Iyon din ang nagbukas para sa posibilidad ng mga nauso ring Koreanovela.

Unfair na nagsabing walang nangyari kay Megan Young.

Palagay namin kung iyan si Megan ay mabibigyan ng isang makatuturang drama na original, baka mas malakas pa ang dating niyan.

Siguro nga ang naisip nila, iyong kagandahan ni Megan at iyong kanyang popularidad bilang Miss World winner ang siyang makapagdala nang husto sa ikalawang remake na ng MariMar, pero hindi nila naisip na baka naman sobra na iyong tatlong ulit mong susubaybayan ang iisang istorya lang naman.

ACIRC

ANG

DAPAT

ENRIQUE

HINDI

IYON

MARI

MEGAN

MGA

NAMAN

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with