^

Pang Movies

ABS-CBN nangungunang YouTube sa ‘Pinas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Umangat sa ikatlong pwesto ang ABS-CBN.com sa listahan ng mga pinakapopular na websites sa bansa, ayon sa pinakabagong rankings ng Alexa, isang website na nagmo-monitor ng views, traffic, at interaction ng iba’t ibang websites.

Lumundag sa ikatlong puwesto mula sa ika-30 pwesto ang ABS-CBN.com sa loob lamang ng dalawang taon.

Maging ang YouTube channel na ABS-CBN Entertainment ay gumawa rin ng kasaysayan nang magtala ito ng 2 billion views, ang pinakamataas sa buong Pilipinas, kasama na ang pagkakaroon nito ng pinakamalaking subscriber base na dalawang milyon. Nalampasan na nito ang Kids Toys, na bahagi ng multi-channel network ng ABS-CBN na Chicken Pork Adobo, na ngayo’y nasa pangalawang puwesto, at ang ang ABS-CBNNews.com, na pumangatlo sa listahan.

“Ang aming YouTube channel ay malaki ang naitutulong bilang contributor sa kita ng aming online. Umabot na rin ito sa rank 17 sa pandaigdigang ranking kasama na ang 58 milyon na views sa iisang linggo lamang. Mahalagang bigyan din ng pansin na noong nakaraang taon, 10-12 milyon na views lang average ng channel namin sa YouTube kumpara sa record high na 58 milyon ngayong taon. Nagbibigay ito ng indikasyon sa pagbabago ng media consumption at behavior ng mga tao,” sabi ni ABS-CBN Digital Content Publishing head Richard Reynante.

Patuloy din ang paglakas ng Facebook page ng Kapamilya network (ABS-CBN) na ngayon ay mayroon nang 11 milyong Likes. Sa ngayon, ito pa rin ang nangungunang Facebook page ng isang media company na may pinakamala­king online community na naaabot ang 24 milyong katao. Ang kabuuang views naman ng ABS-CBN.com at ABS-CBN News (abs-cbnnews.com) ay umaabot naman ng dalawang bilyon kada taon.

JC Tiuseco naka-barong ‘pag nagmo-motor!

Tunghayan ngayong Huwebes sa Motorcycle Diaries ang pagharurot ng mga Filipino rider na imbes na boots at leather jacket ang suot, todo porma sa kanilang barong Tagalog at amerikana bilang pakiki-isa sa international motorcycle event na  Distinguished Gentlemans Ride!

Makakasama sa natatanging pagdiriwang na ito ang Kapuso hunk at certified rider na si JC Tiuseco para patunayang ang mga Pinoy rider hindi lang swabe pumorma, maginoo rin sila pagdating sa kalsada!

Mga kakaiba at paandar na motorsiklo naman ang susubukan ni Jay Taruc. Nariyan ang motorsiklong natutupi – sa unang tingin siguradong aakalaing ang cute na motorsiklong ito, laruang pambata! Ito ang tinatawag na motocompo, o folding scooter! Pero hindi ito dapat ismolin, dahil pagda­ting sa kalsada hindi ito pahuhuli sa pag-arangkada. Binansagan ding ‘trunk bike’ ang motocompo dahil matapos itupi ang mga bahagi nito, kasya na ito sa trunk ng kotse.

Bumibida rin sa kalsada ngayon ang mga motoped o motorsiklong de pedal! Animo’y pinag­halong bisikleta at motorsiklo ang kakaibang sasakyang ito. Tulad ng karaniwang motorsiklo, pina-aandar din ng gasolina ang makina ng motoped. Pero hindi raw problema kung maubusan man ng gasolina dahil pwede pa rin itong mapatakbo gamit ang pedal ng motor.

Tutok na ngayong Huwebes, 10PM, sa New York Festivals World Bronze Medalist na Motorcycle Diaries: Live the Ride sa GMA News TV.

ABS

ACIRC

ANG

CBN

CHICKEN PORK ADOBO

DIGITAL CONTENT PUBLISHING

DISTINGUISHED GENTLEMANS RIDE

FACEBOOK

HUWEBES

ITO

MOTORCYCLE DIARIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with