Dingdong nag-feeling interior decorator sa kwarto ni Little Marian

Dingdong

MANILA, Philippines – Nagpaka-designer si Dingdong Dantes sa room ng panganay nila ni Marian Rivera na si Baby Maria Letizia.

Kinunan ni Yan Yan at naka-post sa Instagram account niya ang pic ni Dong habang naglalagay ng pambatang dekorasyon sa kuwarto.

Caption nga ni Mrs. Dantes, “Actor, Director, Producer, NYC Commissioner at Interior designer pa! Hayy, Kakain-LOVE ka lalo…”

Next month na ang due date ni Marian. Kaya naman maging siya ay nag-lamaze nang sa gayun, hindi siya mahirapan sa panganganak. Bukod sa Lamaze, nag-aral na rin si Marian sa tamang breastfeeding.

Once ready na si Marian sa pagbabalik-TV, isang drama series na kanyang sisimulan sa GMA 7.

News anchor na pa-demure sa balita, wagas maka-punyeta

Wagas na wagas pala kung magsalita ng punyeta ang isang news anchor sa kanyang driver. Waley sa image ng news anchor na kaya niyang magmura until nagkuwento sa isang kaibigan ang dati niyang driver.

Napupunyeta raw ang driver kapag napapadaan sila sa traffic. Hate na hate daw ng news anchor ang ganoong sitwasyon kapag bumibiyahe siya.

Eh, may lahing Espanyol pala ang news anchor kaya nagiging normal na ang pagpupunyeta niya sa mga taong kinabubuwisitan niya, huh! Pero kapag napapanood siya sa TV, wala sa image niyang capable siyang mambulyaw sa driver!

Iba ang news anchor na ito sa news anchor na natsitsismis namang maldita, huh!

Gwen excited pakasal kay Jeremy

Binisto ni Rufa Mae Quinto na engaged na ang kaibigan na si Gwen Zamora sa isang video na naka-post sa kanyang Instagram account na inilabas naman ng GMA Network.

Ayon sa report, “It’s confirmed – Gwen Zamora is getting married!” “I cannot wait to become your Mrs. Marquez” –Gwen Zamora” dagdag pa sa report.

Sabi naman ni Rufa, “She is engaged.  Hey! My baby girl is now a lady! Congrats and all!”

Bisto pa ni P-chy, sa December 2016 ang kasal ni Gwen kay Jeremy (Marquez). Kelan lang daw ay idinispley ni Gwen sa IG account niya ang hinulaang engagement ring na bigay sa kanya ni Jeremy.

No wonder, very visible ang Kapuso actress nang mag-file ng candidacy si Jeremy bilang Vice Mayor ng Parañaque City.

Sa totoo lang, after Alessandra de Rossi, si Gwen ang babaeng muling nagpatibok sa puso ng anak ni Joey Marquez.

Show comments