Dahil sa Felix Manalo movie, Dennis hindi na pwede sa gay roles?!

MANILA, Philippines - Jackpot si Dennis Trillo, napiling bida sa Felix Manalo movie, ang pinakamagastos na movie sa Philippine Cinema. Sixty million daw ang nagastos sa pelikulang directed by Joel Lamangan. Bongga ang premiere night na sa Philippine Arena ipinalabas. Ang tanong, makakatanggap pa kaya si Dennis Trillo ng mga role katulad ng sa My Husband Lover?  Bawal daw kasi sa mga taga-Iglesia ang lalaki sa lalaki at babae sa babae na love relation. Lalo na magpakasal pa, abnormal kind of love raw ito.

Ipinagmamalaking yaman ng aktor, nasaan na? Pelikula ni Coco at Nora, kinapos ang budget?!

Bakit napakatagal ipalabas ng movie ni Coco Martin na Padre de Pamilya kung saan kasama niya si Nora Aunor? Naunahan pa ito ng mga indie films na barya barya kuno ang bayad sa mga artista. Kung totoo ang nasagap na tsismis na hindi ito maipalabas sa mga ordinaryong sinehan ay nakakapagtaka. Hindi nga ba balitang mapera si Coco, bakit hindi magawang ipalabas sa mga ordinaryong sinehan?

Nakakahinayang, ngayon lang siya nakagawa ng magandang pelikula, tipong sa telebisyon lang mapapanood. Sino bang booker niya sa Padre de Pamilya, tanong tuloy ng marami? Hindi naman siguro totoong kinapos ng budget para maipalabas ang movie. Hindi nga ba, super yaman ang mga publicity niya.

Akting ni Liza Lorena, umaariba

Umaariba uli ang acting ni Liza Lorena sa Magpakailanman, bilanggo si Sunshine Dizon sa istorya. Beauty pa din si Liza. Sabagay, naging Miss Philippines yata siya noong araw. Liza na real name is Elizabeth Winset Soriano, at nagbida sa Dahil sa isang Bulaklak, na one year pinilahan sa mga sinehan.

Maraming salamat…

Gusto po naming magpasalamat sa Gloria Romero Restaurant sa Baliuag, Bulakan, (hindi po ito kay Tita Gloria Romero yung pamosong aktres) kapa­ngalan lang sa ipinadalang alaala sa aming kaarawan. Salamat kay Tita Beth Valenzuela, may-ari ng Restaurant na dinadayo ng mga balikbayan sa Baliuag dahil sa pagkaing Pilipino nilang espesyalidad.

Salamat din kay Chairman Richard Yu at lovely wife Janet Yu, aka Amanda Amores, Rita Avila at sa inyong lahat.

Nagpapasalamat din ang the Little Home of Nazareth Orphanage sa Las Piñas kay Alonzo Muhlach and family. Nag-guest ang anak ni Niño Muhlach doon at namigay ng biyaya. Sana tularan sila ng iba pang artista sa share your blessing sa kapwa.                                                             

Show comments