AiAi pinag-iisipan pa rin ng masama sa ginagawa kay Jiro
Kung iisipin mo, talagang nakakairita naman iyon. Tinulungan ng komedyanteng si AiAi delas Alas ang actor na si Jiro Manio matapos na makita nga siyang pagala-gala sa airport. Ayaw na ng actor na umuwi sa bahay nila. May trouble sila. Kung ano man ang trouble, huwag na nating ungkatin.
Kailangan ni Jiro ng professional medical help na inamin naman ng kanyang pamilyang hindi nila kaya dahil kapos sila sa pera ngayon. Ito namang si AiAi, dahil nakasama niya sa isang serye ng mga pelikula si Jiro ay naawa, at tumulong. Sa mga ganyang sitwasyon hindi sapat ang awa lang eh. Kailangan tumulong at iyon ang ginawa ni AiAi.
Ipinasok niya si Jiro sa isang wellness center na pribado. Hindi biru-biro ang gastos sa ganyan, pero itinuloy niya. Nagsikap din siyang magkaroon ng contact sa tunay na tatay ni Jiro, na isa palang Japanese dahil iyon ang gusto ng actor, ang makilala niya at kilalanin din siya ng biological father niya. Nagpatulong pa si AiAi sa isang kaibigan sa Japan para ma-trace kung nasaan ang tatay ni Jiro.
Tapos biglang kung sino na basta lang ang magsasabi na kaya raw tumutulong nang ganyan si AiAi kay Jiro ay dahil “may gusto” ito sa actor. Mahiya naman kayo. Parang anak lang ang tingin niya sa actor at kung iisipin ninyo, bakit kailangang magbintang ng ganoon eh openly naman inaamin ni AiAi na mayroon siyang boyfriend sa ngayon, at maganda naman ang kanilang pagsasama.
Bakit naman kailangang ang pagmamagandang loob ng isang tao ay lagyan pa ng malisya at magbintang pa nang kung anu-ano?
Baka dahil sa ginagawa nilang ganyan, maraming mga matulunging tao ang matakot nang tumulong sa kapwa nilang nangangailangan. Baka magaya tayo doon sa mga bansa na kahit na makita ang isang taong may problema ang sinasabi lang nila ay “manigas ka”, dahil ayaw nilang tumulong.
Direk Perci pumiyok, pelikula ni Nora nilangaw nga
Noong isang gabi lang ulit namin nakita ang director, at dating executive ng TV5 na si Perci Intalan, and of all places, doon pa sa wake ng aming kasamahang yumao na si Emy Abuan.
Sa totoo lang, noon lang kami nagkakuwentuhan ni Perci ng ganoon kahaba. Kahit na noong nasa TV5 pa siya, kung magkakuwentuhan man kami ay tungkol lang sa kung anong show ang ginagawa nila. Noong isang gabi, nakakuwentuhan namin siya bilang director at producer ng mga TV show at mga pelikulang indie.
Inamin ni Perci na hindi nga naging maganda ang resulta sa takilya ng kanyang ginawang pelikula, na ni hindi nga yata namin nakitang nailabas sa mga sinehan. Inamin niyang siguro nga ang kulang sa kanyang pelikula ay ang tamang promo, at marketing strategy. Alam naman niya ang talagang kalalabasan ng resulta noon more or less, pero sabi nga niya gusto lang naman niyang ma-experience na maidirek si Nora Aunor. Mukhang kuntento na siyang nagawa niya iyon.
Pero aminado siya na para makapagpatuloy sa ganoong propesyon, kailangang isipin din niya ang “return of investment”. Bilang isang artist, sila iyong gagawin kung ano ang gusto nila. Pero ngayon naiintindihan din naman niya na mahalaga na maibalik man lang ang puhunan. Kung hindi, papaano ka pa nga ba makapagpapatuloy ng pagiging artist mo?
Iyang si Perci, progresibo ang kanyang mga ideya. Mabuti naman at naiisip na niya ngayon na dapat commercially viable ang mga gagawin niyang pelikula.
- Latest