AlDub Forever sa KMJS

MANILA, Philippines – Patok na patok pa rin ang AlDub Fever at dahil sa rami ng tumatangkilik dito, sangkaterbang fan art at dubsmash mula sa kalyeserye ng Eat Bulaga ang nagsusulputan ngayon.

Ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), abangan ang pagsasama-sama ng ilan sa mga espesyal na AlDub projects na talaga namang nagpapakita ng pagmamahal at suporta sa love team nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Kakamustahin din ni Jessica Soho ngayong Linggo ang Cercado sisters na bumubuo ng Pinay singing group na Fourth Power. Kasama ang grupo sa mga pinag-uusapang contestants ngayon sa X-Factor UK matapos nilang mapahanga ang judges at audience ng nasabing contest.

Tampok din sa KMJS ang ilang pampa-good vibes na viral videos kasama ang isang Pinay sa Australia na sumasayaw ng Butsikik, isang bata mula sa Pagadian na hanep humataw ng Nae-nae, at isang dance video na mayroon daw nakuhanang multo!

Sigurado namang aantig sa puso ng mga manonood ang kuwento ni Mark Montaño ng Iloilo at ng Pinay nanny sa Hong Kong na si Norma Wenceslao.

Si Mark, hindi nagpapigil sa kanyang kapansanan upang maabot ang pa­ngarap na maging expert sa larangan ng flare bartending. Habang si Norma naman, na-diagnose na may stage 4 kidney cancer, pero imbes na pauwiin ng kanyang Ukranian na amo, ang mga ito pa ang sumagot sa kanyang pagpapagamot!

Mapapanood lahat ng ito at iba pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng Ismol Family, sa GMA 7.

Show comments