^

Pang Movies

Megan ini-enjoy si MariMar

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Walang katapusang pasasalamat ang ginagawa ni Megan Young dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng pinagbibidahan niyang primetime series na MariMar.

Nitong huling mga episodes ay pinakitang kinasal na sila ni Sergio Santibañez (Tom Rodriguez) at may naganap na sa kanila noong mag-honeymoon sila.

Masaya si Megan dahil sa gabi-gabi ay trending ang MariMar sa Twitter mapa-Philippines at Worldwide.

“To be honest, hindi ko talaga ine-expect. Basta ang nasa isip ko lang ay gagalingan na lang namin at ie-enjoy namin ang experience.

“I’m very thankful sa mga patuloy na sumusuporta. Ang dami pang nakaka-excite na mangyayari,” ngiti pa niya.

AlDub naghahanda na sa mga kalaban

Hindi kami magtataka kung sa darating na Sabado ay mag-crash ang Twitter dahil sa magaganap na National Pabebe Wave Day ng AlDub loveteam nila Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Para sa ika-10 weeksary ng kanilang tambalan na may hashtag na #ALDUBOurMissionIsLove, ngayon pa lang ay naghahanda na ang AlDub Nation para sa masasabing pinakamalaking event ng kalyeserye.

Handa na nga ang AlDub Nation na muling i-break ang kanilang Twitter record na 12.1 million tweets na naitala nila noong nakaraang September 17 sa hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate.

Going for 15 million or 20 million tweets ang goal ng AlDub Nation.

Ang gagawin lang ay i-post sa mga social media accounts na Facebook, Twitter, at Instagram ang best Pabebe Wave. Patunay ito na kaisa ka sa pagkalat ng Love, Happiness, at Good Vibes sa buong mundo.

Balitang tatapatan daw ang AlDub loveteam ng maraming loveteams ng kalaban nilang show. At sa isang malaking venue pa raw nila gagawin ito.

Pero ang tanging sagot ng AlDub Nation diyan ay simpleng Pabebe Wave lang.

Ken lalong ginaganahan na maging transwoman

Tanggap na nga sa buong mundo ang kuwento ng mga transgender kaya hindi kataka-takang maging hit ang Destiny Rose na pinagbibidahan ni Ken Chan sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Sa nakaraang Emmy Awards ay nanalo ang Hollywood actor na si Jeffrey Tambor ng Best Actor in a Comedy Series para sa ground-breaking series na Transparent. Tungkol ito sa isang middle-age husband na nag-decide na maging isang transwoman.

Kaya natutuwa si Ken sa ganitong mga balita dahil major breakthrough para sa kanyang career ang pagganap bilang transwoman sa Destiny Rose.

AFTERNOON PRIME

ALDEN RICHARDS

ALDUB

ALIGN

ANG

BEST ACTOR

DESTINY ROSE

LEFT

PABEBE WAVE

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with