LizQuen mukhang ilalaglag sa pelikula nina Kris at Derek!

Nabuhay na ang issue tungkol sa darating na 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December nang ma-confirm nang magtatambal ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa My Bebe Love nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na ipu-produce ng M-Zet Productions, OctoArts Films at APT Entertainment, Inc.

Naging matamlay kasi ang balita sa MMFF, lalo’t wala pang nababalitang nagsisimula nang mag-shooting, ang iba, parang gusto pang mag-back out.  At isa pa, wala pang nababalitang papalit kay MMDA Chairman Francis Tolentino bilang Executive Chairman ng MMFF na nag-resign na, dahil babalikan na niya ang pulitika.

Last Friday, September 18, nag-first shooting day na sina Vic, AiAi, Jose Manalo at Alden ng movie na dinidirek ni Jose Javier Reyes.

Hindi pa kasama sa shooting si Yaya Dub dahil kahapon pa lamang, Saturday, siya napanood na nagsalita.

Iyong ibang entries for the MMFF, nagbago na ng casting, iyong magbabago ng story, kailangang ihingi muna nila ito ng approval sa Screening Committee ng MMFF.  Like ang movie nina Coco Martin at Vice Ganda, ipinasok na raw sa cast ang sikat na loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.

Hindi man diretsong sinabi ni Kris Aquino sa presscon ng Etiquette for Mistresses ng Star Cinema, na hindi na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang katambal niya sa MMFF entry nila, pinalitan na rin ang dating title na Mr. & Mrs. Split ng Pamilya Love Love Love daw at balitang si Derek Ramsay na ang katambal niya.  Totoo kayang ipapasok sana ang love team nina Liza Soberano at Enrique Gil, pero pinag-iisipan pa raw dahil sa negative issue kay Enrique.

LJ at Direk Jun, namayagpag sa Russia

Congratulations to LJ Reyes at Director Jun Lana.  Si LJ ang tinanghal na Best Actress sa katatapos na 13th Pacific Meredian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia.  Apat na awards ang tinanggap ng Anino Sa Likod Ng Buwan (Shadow Behind The Moon).

Si Direk Jun ang nanalong Best Director, at pinarangalan bilang NETPAC Jury Best Asian Film Award at FIPRESCI International Critics Prize ang movie.

Sayang at hindi nakasama si LJ, na ito pa naman ang kanyang first international best actress award. Si Direk Jun personal niyang tinanggap ang trophy kay Director Regis Wargnier and a hug mula sa actress na si Julia Ormond. Congratulations!

Alden wala nang pahinga

Wala na kaming masabi kay Alden Richards. Parang wala siyang kapaguran, wala na yata sa vocabulary niya ang word na ‘pahinga,’ pero siguro, iba talaga kapag inspired ang isang tao.

Mula Monday to Sunday, napapanood siya sa GMA 7 bukod pa sa shooting at taping ng mga show na guest siya.

Noong Friday, nag-record siya ng isa pa niyang single sa kanyang new album sa GMA Records at iyon ang kakantahin niya ngayon sa Sunday PinaSaya bukod pa sa kanyang tinitiliang segment na Chef Boy Next Door na pwedeng tikman ang niluto nila ni Jerald Napoles mula sa studio audience at pwede rin niyang mahalikan si Alden sa upper part ng body nito na lalabas sa roleta.

Show comments