Billy na-master na rin ang pang-ookray

Ang haba naman ng hair ni Coleen Garcia dahil puring-puri siya ng kanyang boyfriend na si Billy Crawford. Proud at supportive rin si Billy sa magandang itinatakbo ngayon ng career ng nobya.

Kahit si Coleen na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay, okey lang sa TV host na maghintay pa habang humahataw ang career ng GF. Marami pa raw plano si Coleen at ayaw niyang maging hadlang kahit pa true love na ang nararamdaman niya para rito.

Mabuti na lang nagsimula nang umere ang Your Face Sounds Familiar at hindi na mukhang napapag-iwan si Billy ng kanyang GF.

Speaking of Your Face Sounds Familiar, aral na aral na si Billy na mang-okray ng  walong contestant sa nasabing palabas ng Kapamilya Network. Para na siyang si Vice Ganda kung manlaglag sa nasa­bing show.

At  kahit magaganda ang performances ng mga kasali sa YFSF last Saturday at Sunday, hindi impressive ang mga prosthetic at makeup nila, hindi katulad sa naunang season.

Stand out agad sa walong contestants sina Michael Pangilinan na kumanta ng Careless Whisper na ginaya si George Michael at si Eric Nicholas naman ang pinakamagaling last Sunday din na ginaya si Willie Revillame. Siya ang nanalo ng P100,000. 

Magandang idea na ginawang co-host si Melai Contraveros sa show, na hindi nauubusan ng pagpapatawa at good vibes.

Alden at Yaya Dub pinaingay ang lumang kanta nina Vic

Hindi lang ang commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza sa McDo ang patok sa TV viewers, kundi maging ang kantang Ikaw lang ang Aking Mahal na kinanta ng VST & Co.

Pinapatugtog na uli ito sa ilang radio stations, kaya jackpot pa rin sina Vic Sotto at Tito Sotto dahil may royalty pa rin silang nakukuha.

 

Show comments