Hinahanda na ni Ken Chan ang kanyang sarili kapag sinabihan na siyang kailangan nang i-wax ang buong katawan niya.
Bilang transwoman sa teleserye na Destiny Rose na nag-umpisa na kagabi, kailangang makinis ang balat nito at walang makikitang buhok sa mga legs, arms, kili-kili, at likod.
Sa ngayon daw ang tine-tape nila ay ang lalaking counterpart ni Destiny Rose na si Joey. Pero kapag kinunan na raw ang pagiging transwoman nito, kailangan na siyang magpa-wax ng buong katawan.
“Hindi ko naman kailangan magpa-bikini wax kasi hindi naman mag-bathing suit si Destiny Rose. Hanggang gowns lang siya,” ngiti pa ni Ken.
Isa rin sa mahirap na ginagawa ni Ken para sa pagiging Destiny Rose ay ang mag-ipit ng kanyang pagkalalaki.
Kailangan daw gawin iyon para walang bumubukol kapag nagsuot na siya ng mga body-hugging gowns.
“Hindi raw uubra ‘yung ipa-plaster. Kailangan ipit daw po!” malakas na tawa pa ni Ken.
Kahit isang taon na Michael de Mesa ‘di pa rin maka-adjust sa pagkawala ni Mark
Isang taon na ang nakaraan noong sumakabilang-buhay ang award-winning veteran actor na si Mark Gil. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin daw ito matanggap ng kanyang kapatid na si Michael de Mesa.
Noong nakaraang September 1 ay nag-first year death anniversary si Mark Gil.
“It’s still hard, specially in my case, personally, I haven’t really accepted the fact that he’s gone. We’re are all coping,” pahayag pa ni Michael.
Ang mga anak ni Mark na sila Sid Lucero, Andie Eigenmann, Gabby Eigenmann, Ira Eigenmann, Stephanie Eigenmann, at Max Eigenmann ay nag-post ng kanya-kanyang mga mensahe para sa kanilang yumaong ama via social media.
Gayundin ang kapatid ni Michael na si Cherie Gil ay nag-post ng tribute kay Mark sa kanyang Instagram account.
Sumakabilang-buhay si Mark sa edad na 52 years old dahil sa sakit na liver cancer.
Ikinuwento pa ni Michael na nagkaroon lang ng simpleng get-together ang Eigenmann family noong death anniversary ni Mark. Magkakaroon pa raw sila ng isa pang get-together sa birthday ni Mark on September 25.
“I really miss him, I miss everything about him, and I miss the totality of him, who Ralph was and who Ralph is,” diin pa ni Michael.
Kasama si Michael sa bagong teleserye ng GMA 7 na Destiny Rose kung saan bida ang Kapuso actor na si Ken Chan.
Gumaganap si Michael bilang isang gay philanthropist na may malaking kinalaman sa pag-transform ni Ken bilang isang transwoman sa naturang teleserye.
Gusto nga raw niyang magkaroon sila ng maayos na communication ni Ken dahil marami silang pagsasamahan na mga eksena.
“I always believe in open communication between actors, it’s a collaboration. We haven’t got the chance to really bond yet. I only met him once pa lang, so I’m sure I’m gonna have a good time working with him.”
Nakilala nga si Michael sa husay niya sa pagganap bilang bading sa TV, pelikula at entablado.
Ilan sa mga gay roles ni Michael ay sa mga pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit, Una Kang Naging Akin at Jack & Jill.
Sa TV ay nagkaroon siya ng sitcom noong ‘80s titled It’s A Deal with Alma Moreno kung saan gumanap siyang bading na mister.
Sa stage ay lumabas lang si Michael sa gay musical na La Cage Aux Folles.