Matteo nasa Canada nang mamatay ang lolo!

MANILA, Philippines - Nagluluksa ngayon si Matteo Guidicelli dahil sa pagyao ng kanyang mahal na lolo Gianni Guidicelli sa edad na 80 years old dahil sa lung cancer.

Nasa Calgary, Canada si Matteo nang matanggap ang malungkot na balita kaya naman nagmamadali siya upang makarating sa burol ng lolo. Kahapon ng umaga ay na-cremate na ang bangkay ng lolo ng aktor.

Pagkatapos ng burol hanggang ngayon, Setyembre 9, dadalhin na sa Cebu ang abo ng lolo ni Matteo para sa ilang araw na burol sa probinsiya. Lubos naman ang pasasalamat ng aktor sa nakiramay sa pamilya nila.

On the lighter side, natutuwa naman si Matteo sa magandang feedbacks at komentong natanggap dahil sa cable TV series nila ni Shaina Magdayao na Single/Single. Nagbunga ang eksperimento ng Cinema One sa pag-produce ng modernong series na ito na napapanood sa Cinema One Channel 56 sa Skycable.

Joint venture ng Cinema One at The Philippine Star ang Single/Single. Dahil sa magandang resulta nito, balak pa itong masundan ng bagong series. Kaya naman sa tagumpay nito, maraming publikasyon ang naiinggit sa The Philippine Star. Aba, hindi lang malaking mileage ito para sa number one broadsheet kundi financially rewarding din, huh!

Catch up with Single/Single na paboritong panoorin ng mga millenials lalo na’t may mga aral ding ibinibigay ito sa manonood!

Mother Lily nagpatawag ng meeting sa Medical City!

Kahit nasa ospital pa, trabaho pa rin ang nasa utak ni Mother Lily, huh!

Nasa Medical City si Mother ngayon dahil dinala siya ng kanyang anak na si Roselle Monteverde dahil sa dengue. Pero kahit nasa hospital bed, telephone pa rin ang hawak niya, huh!

Eh sa September 23, showing na ang horror movie na Resureksyon. Bida rito sina Paulo Avelino, Isabelle Daza at Jasmine Curtis-Smith kaya kailangan nang simulan ang promotions ng movie.

May schedule ng meeting kahapon para sa publicity and promotions ng mo­vie at sa Club Filipino sana gagawin ‘yon. Gustong maki-join sa meeting ni Mother so kambyo ang lahat ng join sa meeting para pumunta sa Medical City at gawin ang meeting sa room niya, huh!

Iza nag-promote ng Star Cinema movie sa GMA, Rhian aapir naman sa Dos

Lumutang si Iza Calzado sa bakuran ng GMA Network nu’ng Lunes ng hapon. Guest siya sa radio programa ni Kuya Germs sa DZBB. After ng gues­ting, sumaglit siya sa office ni Joey Abacan, VP for Alternative Programming ng Kapuso Network.

Eh, wala namang isyu ito sa GMA kahit Kapamilya na si Iza.  Malapit din kasi siya kay Kuya Germs na kaibigang matalik ng namayapang ama. Iprinomote ng aktres ang Star Cinema movie niyang Etiquette for Mistresses.

Pero sa susunod na mga araw, malamang na makita rin sa shows ng ABS-CBN si Rhian Ramos. Showing na next week ang movie nila ni Piolo Pascual na Silong na unang inilabas sa Cinemalaya.

Siyempre, walang tutol ang GMA Artist Center kung sakaling paapirin si Rhian sa shows ng Dos, huh!

Show comments