MANILA, Philippines - Dinipensahan ni Atty. Joji Alonso si JM de Guzman na problema sa shooting ng festival movie ng kanyang Quantum Films na Walang Forever (WF). Bumalik na diumano sa dating bisyo ang aktor kaya lahat ng trabaho nito ay apektado gaya ng WF.
“That’s not true! Ok na ok sa Walang Forever si JM and he’s very professional,” text sa amin ni Atty. Joji.
Damang-dama raw ng lawyer-producer ang excitement ng aktor habang ginagawa ang movie. Kanya raw ipinagmamalaki pa ang draft ng teaser ng movie nila ni Jennylyn Mercado sa lahat.
Bale pang-apat na movie na ni JM kay Atty. Joji ang WF. Una niyang ginawa ang Ang Babae Sa Septic Tank, sinundan ito ng The Strangers at ang huli ay ang Tandem na namamayagpag sa festivals sa abroad.
“No complaints si JM. Napaka-pro(fessional) niya all the way!” text pa sa amin ng lawyer-producer.
Pagdating naman sa isang filmfest entry niya na Buy Now, Die Later, tapos na raw ang individual scenes ng mga bidang sina Alex Gonzaga, Rayver Cruz at John Lapus. ‘Yung kina Vhong Navarro, Billy Crawford at mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez ang kanilang sinu-shoot. Tutal naman nakunan na nila ang finale kung saan madugo ang special effects ng movie.
“I feel proud of these 2 projects and at the same time kabado. Hoping the audience will like what we are offering to them just like EOP (English Only Please),” saad pa sa text ni Atty. Joji.
AiAi may sosyal na blow-out sa staff, misyon para kay Jiro isisingit din
Jackpot na naman ang staff ni AiAi delas Alas na makakasama niya sa blow-out na gagawin kaugnay ng 25 anniversary niya sa showbiz, huh! Sa Japan dadalhin ngayong Setyembre 10 ang mga taong naging bahagi ng career niya through ups and downs nang libre, huh!
Ang mapapalad na ipapasyal ni Ai sa Japan ay ang kanyang glam team, photographer, stylist, make up artist at kaibigang laging kasama at nakatulong sa career niya. Sa biyahe ito ng Comedy Queen isisingit ang pakikipag-usap sa ama ng anak-anakan na si Jiro Manio.
Kagagaling lang ng Reyna ng Komedya sa New York City para sa show ng GMA Pinoy TV. Matapos ang biyahe niya sa Japan, ang bagong show na Celebri-TV ang tututukan niya naman na sa September 19 ang pilot na kapalit ng Startalk. Makakasama niya sa show sina Manay Lolit Solis at Joey de Leon.
Sa September 18 na rin pala ang shooting ng festival movie nila ni Vic Sotto. Sa tweet ni direk Joey Reyes na director ng movie, kinumpirma niyang kasama na sa cast si Alden Richards pero hindi pa sure kung si Maine Mendoza aka Yaya Dub ay bahagi rin ng cast.
FM radio ng GMA sumasakay na rin sa kasikatan ng AlDub
Sumakay na rin ang FM radio ng GMA Network na Barangay LS sa AlDub fever. May recap at updates sila ng KalyeSerye ng AlDub loveteam!
Eh sa Sunday edition ng isang segment ng programa, aba, ilang beses pinatutugtog ang kantang identified sa AlDub gaya ng Nothing’s Gonna Stop Us Now, God Gave Me You at maging ang single ni Alden na Wish I May na mahigit sampung beses na pinatutugtog, huh!
Eh sa 5.8M tweets lang Saturday, hindi kataka-takang madagdagan ang hooked sa KalyeSerye araw-araw, huh!