Inaapelang naisahan sila! Pacman at Mayweather patung-patong na ang kaso sa Amerika
Isinampa na sa federal court in California ang reklamo ng maraming nadismaya sa laban nila Manny Pacquaio at Floyd Mayweather Jr. noong nakaraang May via pay-per-view.
Ayon sa mga plaintiffs, isang fraud ang laban ng dalawa kaya gusto nilang maibalik sa kanila ang mga binayad nila sa pay-per-view.
Ang uupong judge sa kaso na ito ay si Judge R. Gary Klauser na naghurado rin sa kaso ng computer hacking sa Sony movie studio.
Idi-determine pa raw kung isang class-action ang status ng kaso bago magpatuloy sa anumang court proceedings.
Kasama kasi sa na-file na case ay ang hindi pagsabi ni Pacquiao na may shoulder injury bago ang laban with Mayweather.
May bilang na 32 lawsuits nga ang natanggap since May 2015 mula sa States of California, Nevada, Florida, Illinois, Maryland, New Jersey, New York at Texas.
Nakasama sa lawsuit si Pacquiao, ang promoter niya na Top Rank Inc. at si Mayweather at ang promoter niya. Kasama rin ang cable companies na HBO at Showtime sa lawsuit.
Higit na 4.4 million viewers ang nagbayad ng tig-$100 para mapanood ang laban sa HBO at Showtime. Kumita ang mga companies na ito ng $400 million.
Nakatanggap naman ng tig-$100 million sina Pacquiao at Mayweather mula sa pay-per-view.
Uuwi na sana sa Amerika Tom nabaon sa utang bago masagip ng Kapuso
Hindi napigilan na maiyak ni Tom Rodriguez nang magkuwento siya sa press launch ng bagong primetime teleserye niya na MariMar ng GMA-7 na.
Malaki raw kasi ang pasasalamat niya sa Kapuso network dahil sa tiwalang binibigay sa kanya. Kung hindi raw dahil sa pagkuha sa kanya ng GMA-7, malamang daw ay nasa Amerika na siya at iniwan na niya ang showbiz.
“Wala na akong balak na bumalik talaga ng Pilipinas. I was jobless at marami akong naging utang.
“I admit na na-frustrate ako sa career ko that time. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Wala naman akong sariling bahay. I was paying rent. Paano kung wala na akong pambayad? I will be homeless without a job.
“Kaya with the advice of my sister, I flew back to the States. Naawa siya sa situation ko that time. Sa Amerika, doon na ako nag-iisip ng gagawin ko. Kung babalik pa ba ako o hindi na?
“Then I called up my manager (Popoy Caratativo). I remember ‘yung sinabi niya sa akin na he will help me kung gusto ko pang ituloy ang pag-aartista.
“He asked me na huwag muna akong gumawa ng final decision. Bigyan ko ulit ng chance ang lahat. If nothing comes out of it, then I can decide to leave the business.
“Then it all came together. Nagkaroon ako ng kontrata with GMA-7, they gave me the biggest role of my career in My Husband’s Lover. That gave me a place in this business. Doon ako napansin ng mga tao na marunong pala akong umarte.
“That’s why I will forever be grateful to GMA-7 because of what they’ve done to my career. But most of it goes to my manager Popoy na nagtiyaga sa akin and believed na meron pa akong magagawa.”
Ngayon ay isang malaking role ulit ang binigay kay Tom bilang si Sergio Santibanez sa remake ng MariMar kung saan makakapareha niya si Miss World 2013 Megan Young.
“It’s an iconic role that has been identified with Dingdong Dantes. Hindi ko maiaalis ‘yan sa alaala ng marami.
“But I also want them to see what I did sa role of Sergio. It’s something new and I hope na kung paano nila minahal noon si Dingdong as Sergio, gano’n din ang pagmamahal na ibigay nila sa akin bilang ang bagong Sergio ng MariMar.”
American singer na si Meghan Trainor, kanselado ang concert tours dahil sa lumalalang sakit!
Dahil sa hemorrhaged vocal cord ay kanselado ang MTrain Tour ng American singer na si Meghan Trainor.
Sumikat si Trainor dahil sa hit single niya na All About That Bass kung saan nakakuha siya ng dalawang Grammy nominations. Ang music video nito on YouTube ay meron nang 970 million views.
Kailangan na raw dumaan sa surgery si Trainor dahil lumalala na raw ang nararamdaman niyang sakit sa kanyang vocal cords.
“I have hemorrhaged my vocal cord again.
“I got bronchitis and have been coughing a lot and that pushed it over the edge,” ayon pa kay Trainor sa kanyang Instagram post.
Nakapagsimula na ng kanyang tour si Trainor sa St. Louis, Missouri, pero kinansela ang mga sumunod na tour dahil sa vocal cord issue.
Maraming fans ni Trainor mula sa Nashville, Atlanta at Chicago ang nadismaya dahil hindi na nito itutuloy ang concert tour.
After ng kanyang surgery ay dalawang buwan pa bago puwedeng makaawit ulit si Trainor.
- Latest