^

Pang Movies

Pakikiramay sa sinapit nina Robin at Mariel

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas malungkot ang pagdadalamhati ngayon ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil hindi lang isa kundi tatlong anak ang nawala sa kanila na nabalita nu’ng Huwebes ng gabi. Nakunan muli si Mariel sa pangalawang pagkakataon kaya naman tripleng dagok ang sinapit ng mag-asawa.

Eh, nitong nakaraang mga araw, nagpasya si Robin na mag-beg off sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila ng Japanese porn star na si Maria Ozawa, ang Nilalang. Umalma si Ozawa sa ginawa ng Action King pero mas marami ang umunawa dahil sa binigyan ng prayoridad ang aktor ang pag-aalaga sa kalagayan ng asawa.

Humingi na rin ng apology si Binoe kay Ozawa. All of a sudden nga lang, dumating ang panibagong dagok sa buhay nila ni Mariel.

Nagpahayag naman ang producers ng Nilalang na irerespeto nila ang susunod na desisyon ni Robin kung gagawin pa rin niya ang movie o hindi muna.

Nakikiramay kami sa sinapit nina Robin at Mariel.

John Lloyd movie laglag pa rin sa MMFF

Speaking of MMFF entries dahil sa nabalitang pag-beg off ni Robin sa Nilalang, nabuhayan siyempre ng loob ang reserved entries na Con-Man ni John Lloyd Cruz at Lakambini ni Lovi Poe. Eh sa bagong development na nangyari kay Binoe, muling nabitin ang announcement ng MMDA sa kukunin sa dalawa na kapalit ng movie.

Eh nang makita namin si Direk Erik Matti na director ng JLC starrer, wala pa raw confirmation ang MMDA kung alin sa dalawa ang napili. Kaya naman tikom muna siya sa pagbibigay ng reaksyon.

Nakatutok kasi siya ngayon sa post production sa joint venture ng Reality Entertainment at Regal Entertainment na horror-adventure barkada mo­vie na Resureksyon. Bida rito sina Isabelle Daza at Jasmine Curtis-Smith.

Pero gaya nang nakaraan niyang movies, may mga bago at nakakatakot na creatures at maligno ang nilikha niya para sa pelikula.

Bagong Liza at Enrique movie minamadali na

Umarya na naman ang box-office power ni Bea Alonzo. Balitang-balita na kumikita ang movie na The Love Affair kung saan kasama niya sina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

But wait! Hindi lang ito ang movie ni Bea this year. Ang balita namin, muli silang magsasama ng ka-loveteam na si John Lloyd Cruz sa isang movie. Ngayong araw rin ito ang tsikang first day shoot ng dalawa.

Eh sa last week ng October ang target playdate ng movie nina Bea at Lloydie. Naniniwala naman ang Star Cinema na aabot sa target showing ang pelikula dahil wala namang daily teleserye ang aktres habang si JLC naman ay ang weekly sitcom lang ang ginagawa.

Ang isa pang Star Cinema movie na pasabog sa first week of October ay ang second team up naman nina Liza Soberano at Enrique Gil. Kumita sa takilya ang starrer nilang Just The Way You Are kaya naman sinasamantala ito ng Star Cinema habang mainit pa ang loveteam, huh!

P1-M ni Ramon Ang naibalik na

Binawi na ng business tycoon na si Ramon Ang isinampang demanda laban kay Atty. Felipe Gozon ng GMA Network kasama ang grupo niya ayon sa reports.

Isang mutual friend nina Atty. Gozon at Ang ang namagitan sa dalawa upang magkaroon ng amicable settlement.

Nag-ugat ang problema ng dalawa nang magbigay ng advance money si Ang para sa 39% stake sa GMA Network. Eh, something happened along the way kaya hindi natuloy ang negosasyon at binabawi ng negosyante ang P1-B na ibinigay sa Gozon group.

Matapos mag-ayos, walang linaw kung tuloy pa rin ang pagpasok ni Ang bilang isa sa stockholders ng Kapuso network.

ACTION KING

ANG

BAGONG LIZA

BEA

JOHN LLOYD CRUZ

MARIEL

MOVIE

NAMAN

NILALANG

RAMON ANG

STAR CINEMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with