Shaina kalma muna ang puso, ayaw pa talagang ma-in love

Mas gusto ni Shaina Magdayao ang pagiging single ngayon pati na rin ang kanyang career. Say nga niya sa presscon kahapon ng teleserye nila ni Matteo Guidicelli sa Cinema One cable, wala raw siya halos time makipag-date dahil nga puro trabaho siya ngayon.

 “Walang stress ngayon sa buhay ko in general. You can say na showbiz itong sagot ko, pero puro trabaho talaga, as in literal. I do Nathaniel thrice a week, and then I do this (Single\Single) twice a week. And then I have ASAP every weekends.

“And I’m very, very blessed that I have good co-workers, masarap silang kasama, magaan silang kasama so maski everday may trabaho, it doesn’t feel like work, especially itong grupo namin, ‘yung Single\Single,” sabi ni Shaina.

Kung may libreng oras man daw siya ay ilalaan na lamang niya sa kanyang family. Ang love ay darating din naman daw sa tamang panahon.

“There’s a perfect timing for that and ngayon, hindi po ‘yun ang perfect timing for love for me,” sabi ni Shaina.

By choice raw ang pagiging single niya.

 “Kalma lang muna tayo. Darating din tayo di­yan. Right now kasi siguro, mas ini-enjoy ko ‘to and ako kasi, I’m a very, I think, selfless lover. So, mas uunahin ko ‘yung partner ko kaysa sa sarili ko.

 “So, this is the first time na sarili ko ‘yung inuuna ko. And my work. And ayun, everything about me and my family and my friends - my world right now,” say pa ng aktres.

Matatandaang ang huling boyfriend ni Shaina ay si John Lloyd Cruz na recently ay nakatrabaho niya pa sa Nathaniel nang mag-guest ang aktor.

 “Kung ang mundo ay maliit, mas maliit po ang mundo ng showbiz. Buti na lang, okay kami. Work is work. ‘Yun lang po,” she said.

So, wala na siyang issues sa mga past boyfriends niya?

 “Pangit kasi ang may hang-ups, eh, katulad ni Joee (karakter niya sa Single\Single). Mahirap ‘yung ganu’n. You have to show yourself from the negati­vity and the hurt. Si Joee, darating din siya kay Shaina. Panoorin po natin kung paano. Working progress siya,” natatawa niyang sabi.

Bagama’t natapos na ang taping ni Lloydie sa Nathaniel, natanong pa rin si Shaina kung ano ang naging feeling niya noong una silang nagkaharap sa set.

Ayon sa aktres ay hindi naman daw ‘yun ang una nilang pagkikita after the break-up.

“Marami nang Star Magic ball ang nakalipas, we have common friends. Hindi naman ganu’n kaliit ang mundo. We still have common friends, so we attend same parties, pag may birthday ang kaibigan namin.

“So, it’s not the first time but I think naging big deal lang siya because it is the first time na nagkatrabaho kami. Never naman kaming nakita sa screen, toge­ther, eh. And at that time, hindi kami nagkakatrabaho talaga, just to separate things in your lives, di ba? But other than that, wala namang big deal,” saad ni Shaina.

Would she say na friendly or civil ‘yung encounter nila?

 “We’re okay, we’re friends,” she said.

Matteo iwas pag-usapan si Mommy Divine 

Samantala, natanong naman si Matteo kung na-i-enjoy ba niya ang pagkakaroon ng girlfriend than being single at say niya, siyempre naman daw.

 “Siyempre, na-i-enjoy ko rin na maging single pero mas na-i-enjoy ko nga­yon na ano, di ba? Siyempre, may partner sa buhay, ang sarap-sarap. Mas masaya ‘yung buhay, siyempre,” he said.

Pero alam daw niyang darating din sa buhay ng leading lady niyang si Shaina ang right love for her.

 “She deserves all the best. She’s a wonderful person, she’s very fun to be with and one day I believe and I can feel it, she’ll find it,” he said.

When asked kung kamusta na ba ang relasyon nila ni Mommy Divine na mommy ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo, dahil mukhang okay na okay sila lately since nakapunta nga ang dalaga sa Cebu para dumalo sa kanyang triathlon, say ng aktor, much as gusto niya itong sagutin ay hindi raw niya masasagot bilang respeto na rin.

Sa tingin ba niya ay sa kasalan na ang punta nila ni Sarah?

“Let’s hope. Let’s see,” nakangiti niyang sabi.

Magsisimula na sa August 29 ang Single\Single, 8pm at every Saturday itong mapapanood for 13 weeks sa Cinema One na cable channel ng ABS-CBN mula sa direksyon ni Pepe Diokno. Ang Philippine Star ang producer ng Single/Single.

Show comments