^

Pang Movies

Bea expert na sa pagiging mistress

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Gamay na gamay na si Bea ang role na mistress. Papel ng mistress ni Ronaldo Valdez ang ginampanan niya sa pelikulang The Mistress, where she won an award for Best Actress. Samantalang sa The Mistress, ang gumanap na asawa ni Ronaldo ay si Hilda Koronel, sa The Love Affair, ang asawa naman ni Richard ay si Dawn. Sabi ni Bea, “parehong astig sina Ate Dawn at Tita Hilda sa pag-arte”.

 “Kaya truly a challenge ang maka-eksena silang dalawa”, sabi ni Bea.

Bangs tumanggi sa alok na kasal

Kahit pala napabalitang naging “close as can be” sina Bangs Garcia at Phil Younghusband, itinanggi ni Bangs na nagkarelasyon silang dalawa.

For five years now may boyfriend daw si Bangs na non-showbiz. Kung ito nga raw ang masusunod, gusto na nitong magpakasal sila. Pero ang katuwiran ni Bangs ay di pa siya ready sa buhay may-asawa, na nauunawaan naman ng kanyang boyfriend.

Sa ngayon si Bangs ay nagpi-painting at gusto niya rin mag-exhibit soon na mag-solo.

Anak ni Mark Anthony gustong gayahin si Daniel

Hindi lang pala sa pelikula humahataw ang teenage na anak ni Mark Fer­nandez, na si Grae, na ipinakilala sa The Love Affair, na tinatampok sina Richard Gomez, Dawn Zulueta and Bea Alonzo. Nasa cast na rin siya ng trending and high rating series na Pangako Sa’yo, bilang lihim na manliligaw ni Andrea Brillantes. Agaw-pansin siya kahit pa ang bidang lalaki ng Pangako Sa’yo ay si Daniel Padilla. “Ibig ko pong sumikat din tulad ni Daniel,” sabi ni Grae.

Lolo ni Grae ang namayapang aktor na si Rudy Fernandez at lola naman niya si Alma Moreno.

Alma nasungkit ng Team Binay

Speaking of Alma, tuloy na pala ang kanyang pagtakbo bilang Senador sa 2016 election. Kabilang daw siya sa partido ni Vice President Jojo Binay. Nanilbihan si Alma bilang konsehal ng Parañaque ng tatlong termino.

Naging first lady rin siya ng siyudad nang naging mayor and dating asawa na si Joey Marquez.

Bea gustong matulad kay Richard at Dawn ang loveteam nila ni John Lloyd

Sa naging interview ni Bea Alonzo sa show na Aquino and Abunda Tonight ay ni-reveal na niya na may “liwanag na muli sa dati’y “dumilim” na pag-iibigan nila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Kaya naman pala present si Zanjoe sa premiere night ng pelikula ng kanyang girlfriend, ang The Love Affair kung saan kasama ni Bea si Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Sa nabanggit na usapan nina Boy at Bea, sinabi niyang hinahangaan niya sina Richard at Dawn dahil napanatili daw nilang dalawa ang kanilang closeness as a loveteam.

Alam ng lahat na pareho na silang happily married. Sana raw maging ganito ang loveteam nila John Lloyd Cruz kahit na hindi sila naging mag-boyfriend ni John Lloyd gaya nina Richard at Dawn. Alam naman natin na sa kasalukuyan, ang one and only ni John Lloyd ay si Angelica Panganiban.

Ayon sa ABS-CBN insider, may pini-prepare na series for John Lloyd at Bea.

ACIRC

ANG

BEA

BEA ALONZO

DAWN ZULUETA

GRAE

JOHN LLOYD

LOVE AFFAIR

PANGAKO SA

RICHARD GOMEZ

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with