MANILA, Philippines – Ipapakita ng Pasion De Amor star na si Ahron Villena kung paano niya napapanatiling maganda ang pangangatawan ngayong Huwebes (August 13) sa Sports U.
Samahan siya sa kanyang training session at alamin kung ano nga ba ang mga epektibong exercises na maari mo ring gawin.
Tunghayan din sa episode ang kwento ni Blue Chiong, isang batang triathlete na sumali kamakailan sa Alaska Iron Kid race sa Cebu. Ngunit, lingid sa kaalaman ng nakararami, si Blue ay isang cancer survivor sa edad na 14 lamang at mayroon ding attention deficit hyperactivity disorder or ADHD. Pero sa lahat ng mga balakid na iyan sa kanyang buhay, nagawa ni Blue na makatapos sa top 20 ng karera mula sa 180 na sumali.
Samantala, ang host na si Dyan Castillejo naman ay naimbitahang maging parte ng isang Adventure Tourism event sa SMX Convention Center kung saan ay nagturo siya ng iba’t ibang ehersisyo sa mga kabataang dumalo para sa kanilang kalusugan at para na rin maging fit sila.
Napapanood tuwing Huwebes ang Sports U 4:30 PM sa ABS-CBN.