MANILA, Philippines – Ano ang dapat mong gawin kapag ikaw ay biktima o saksi ng pangho-holdap? Iyan ang tatalakayin ni Atom Araullo ngayong Miyerkules (August 5) sa Red Alert. Ipapakita nina Atom at Red Alert emergency doctor na si Ted Esguerra ang mas ligtas na paraan para harapin ang nasabing sitwasyon lalo na kapag armado ng baril at granada ang kawatan.
Muling nagbabalik ang Red Alert sa telebisyon para ihanda ang mga manonood sa pinakamalalang mga sitwasyon o trahedya sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at kaalamang maaring makasagip sa kanilang buhay pati na rin sa buhay ng iba.