Heart limang taon ang taning sa pag-aayos ni Chiz at mga magulang

Ayon kay Heart Evangelista ay hindi pa raw natutuloy ang dinner nila ng husband niyang si Sen. Chiz Escudero with her family partikular na nga ang parents niya. Nasa US daw ngayon ang mommy niya pero ang daddy niya ay twice raw niyang kasama this week dahil sinamahan niya itong magpa-checkup.

“So we’re very good. My mom is back in the States so hindi pa kami nakakapag-usap personally pero sa phone nag-usap na kami,” pahayag ni Heart.

At ano ang napag-usapan nila ng mommy niya?

“Okay naman. Siyempre, hindi naman pwedeng biglain but what’s important is nag-uusap kami and I’m not angry, I’m not nagtatampo, okay na ako. So, madali na lang siguro ‘yan.”

Right now ay waiting pa rin daw sila ng abiso mula sa parents niya para ma-meet si Sen. Chiz at tuluyan nang magkaayus-ayos pero so far ay okay na raw talaga sila ng parents niya.

“Nagbabasa siya (her father) ng Yes Magazine, shinare niya sa Facebook niya ‘yung wedding video namin, so I guess he’s happy for us.”

Pero siyempre, looking forward din siya sa pagdating ng araw na makikita na niya ang ama sa pintuan ng bahay nila ni Chiz.

“Sabi naman niya sa akin, siguro naman, kung meron kaming 5th year anniversary wedding, nandu’n na raw siya for sure.”

So, five years ang time frame?

Natawa si Heart, “oo, 5 years ang time frame.”

When asked kung naghihintay na ba ng apo ang magulang niya mula sa kanila, natatawang sabi ni Heart, “hindi ko alam, baka lalong mabigla.”

Anyway, sa ngayon ay balik trabaho na si Heart dahil nagsimula na raw siyang mag-taping ng bagong serye nila ni Lovi Poe sa GMA-7.

Kapuso aktor na si Steven Silva naiinis pag pinasasayaw sa SAS

Walang bagong kontrata si Steven Silva sa GMA-7 kaya tumanggap siya ng guesting sa TV5. Siya ang kapareha ni Eula Caballero sa Wattpad Presents Lady in Disguise na magsisimula na sa April 6.

Ayon kay Steven, inaayos pa raw kasi ang bagong kontrata niya sa Kapuso network. Nagpaalam siya para mag-guest sa Kapatid network at pinayagan naman daw siya.

Diretso naming tinanong si Steven kung gusto niya bang lumipat sa TV5 at aniya ay ayaw daw niya and in his heart, gusto pa rin niyan manatili sa GMA-7.

Pina-elaborate namin sa Ultimate Male Survivor ng Starstruck Season 5 kung ano ba ang inaayos at pinag-uusapan nila sa bagong kontrata sa Kapuso, kung may demands ba siyang hinihingi or kung anuman.

“Meron (demands). Actually, nung nag-usap kami last time. ‘Di ba sabi ko, gusto ko talaga ng security sa next contract. Kasi, I mean, I’m already 28, so sana, mas secure ‘yung next 3 or 4 years if ever.

“I ask them, sana may mga guarantees, regarding sa shows. Pati ‘yung parang path kung saan papunta ‘yung career ko. Kasi, before, parang sa tingin ko, sa GMA, parang kung ano ang gusto nilang pinagawa sa ‘kin, parang minsan, halo-halo, eh. Parang wala namang direct na path, na clear path, so, ‘yun.”

Ano ba ang gusto niyang path talaga?

“More on sa singing. Kasi even before, sa Starstruck, ‘yun talaga ang gusto ko, sa singing. Pero ‘yun, after Starstruck, medyo naging malabo na.

“Kasi like, for example, sa Sunday All Stars, naiinis ako, eh, kasi ang pinagawa sa akin doon is dancing, so, parang wala akong chance para maipakita ‘yung skills ko.

“That’s why I started doing theaters, musical theater, para at least, it’s another venue para I can also show my skill pagdating sa singing,” he said.

Pwede naman daw siya sa acting pero pagkanta raw talaga ang mas gusto niya.

Okay naman daw ang treatment sa kanya ng Kapatid network at ma­ging ang mga kasamahan niya tulad ni Eula.

“Magaling siya, she’s really quick when it comes to preparation, lagi ­siyang prepared sa scenes namin, kahit medyo mabigat, konting ano lang, ready na siya.

“And so far, the experience is really nice with TV5. Sana, mag-Wattpad ako ulit kasi I really enjoyed it,” say pa ni Steven.

Show comments